Chapter 21: Rodney's Plan

1K 25 1
                                    

Nessan's POV

''Ang bilis mo namang makahanap ng bago, teka sino naman yung babaeng tinutukoy mo?'' -Argelle

Sino nga ba??

''Siya, Nessan wait'' Paalis na dapat ako pero tinawag ako ni Rodney. WHAT!!?? Bakit ako?

Oo ako nga, nilapitan ako ni Rodney at inakbayan. What's the meaning of this? Paki explain?

''WHAT!!?? Do you mean? Siya yung girlfriend mo?'' -Argelle

''Yes, I want you to meet Nessan, my girlfriend'' kilala ako niyan, ako kaya nagligtas sa kanya sa apat na mokong na iyon. 

Tiningnan ko yung oras sa relo ko, OMG I'm already late.

''Ahhhmm sorry to interrupt pero may klase pa ako ehh, Nice meeting you Argelle, Bye Rodney'' 

''Nessan wait'' -Argelle

At tumakbo na ako papunta sa room ko, late na ako ng 5 minutes. 

Di ko alam kung matutuwa ako sa ginawa ni Rodney, Di ako makapaniwala sa ginawa niya. Nananaginip lang ba ako? 

Pag upo ko sa upuan ko parang wala akong kibo, parang na stun ako sa ginawa niya. Tama ba iyong ginawa niya. Yes Rodney is my certified crush sa school pero yung pinakilala niya ako sa ibang tao na girlfriend niya ako, medyo nakakahiya na ehh lalo na kay Argelle na ex girlfriend ni Rodney.

Ewan ko ba kung anung nangyayari sa ngayon. Makapag aral na nga lang muna.


AFTER CLASS

Nakasabay ko si Ekaii umuwi at ikinuwento ko sa kanya yung mga nangyari kanina. At nagpunta muna kami sa bahay niya.

''Talaga!!??'' -Ekaii

''Oo nga ehhh, ang weird diba? Bigla lang niya akong sinabihan na girlfriend daw niya ako'' 

''Pero kinilig yan, yieeeee'' sabay kiliti niya sa akin 

''Baliw, parang ako nga yung kontrabida ehh, sumawsaw ako sa eksena ng mag ex na iyon'' 

''Hayyyyy, be careful girl ayan ang sinasabi ko sa iyo ehh, Don't talk to strangers, jan ka nadadali ehh'' 

Then may narinig kami, parang tunog ba ng gate. 

''Teka Ekaii baka nay tao sa gate, tignan mo muna''

Lumabas si Ekaii at biglang ''MAGNANAKAW!!!!!'' 

Sinundan ko si Ekaii at inawat, biglang nanlaki ang mga mata namin nang nakita namin sa taas ng bakod si Bernard. Oo si Bernard nga, anung ginagawa ng Number One Player in this Region dito?'' 

''MAGNANAKAW!!!! Ikaw yung nakita ko nung game ng San Carlos'' -Ekaii

''Easy, hindi ako magnanakaw, umakyat lang ako rito sa bakod niyo'' oo nasa taas siya ng bakod nila Ekaii. Akyat bahay ata ito ehh. 

''Ehh anung ginagawa mo rito huh? Iniistalk mo ko noh?'' bigla akong natawa sa sinabi ni Ekaii, feelingera talaga ito.

''Di ahhhh, kaya ako nandito kasi may aso sa baba, hinahabol ako saka malay ko ba na dito ka nakatira'' -Bernard

''Sus aso lang pala problema mo'' -Ekaii

Hahahaha takot sa aso ang wala, mga players na nakakalaban mo takot sayo pero siya takot sa aso, dapat pala may aso pagdating sa court.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon