Chapter 16: Forgiveness or Decision

1.1K 22 1
                                    

Rodney's POV

Finally, we got our first win this season and our next game will be on Monday against Northwest Artic University. I need a lot of rest to prepare for the game.

Umuwi na ako ng maaga at pagkauwi ko ay nahiga ako sa sofa ng bahay namin. Wooo kakapagod talaga maging basketball player. (Malamang sino bang basketball player ang hindi napapagod? Ano ka alien?) 

KRUUUNNGGGGG....

Naknang, gutom na rin ako. Di kasi ako kumain before the game ehh. 

Binuksan ko yung laman ng ref, walang laman, nalimutan ko na rin mag grocery. Hay nevermind. Kakain na lang ako sa fastfood malapit lang sa amin. Wala rin naman si yaya dahil pinag day off ko muna siya dahil namatay raw yung tatay niya kaya umuwi siya ng probinsya kaya ako ang natira sa bahay. 

Ang hirap ng feeling kapag nawalan ka ng mahal sa buhay diba? Umalis si Daddy sa piling ko, si Mommy naman namatay when giving birth to me tapos si daddy galit sa akin after mawala ni Mommy. Ewan ko ba kung bakit ganito? Lahat ng mga mahal ko sa buhay nawawala. Siguro malas ako pagdating sa pagmamahal. Kaya siguro ako ganito sa mga tao, may nasasabi akong hindi maganda sa kanila kahit hindi naman nila pagkakamali. 

Nagpunta ako sa may fastfood chain at umorder ng pagkain. Dahil medyo matakaw at gutom na gutom na ako. nag order ako ng two cups of rice + ulam with drinks and yown. Kaso may kulang.

Solo lang ako rito, iba kasi kapag may kasama ehh. Di nakaka enjoy. 

While eating, biglang may pumasok. Wait? Si Argelle yun ahh. 

''Rodney??'' -Argelle

''Kain'' alok ko sa kanya

''No thanks, But wait congratulations kanina ahhh. Di ko akalaing mananalo kayo'' -Argelle

''Bakit? Sa tingin mo ba hindi namin kaya ang San Carlos?'' yun lang ang nasabi ko 

''Hindi naman, kamusta ka na Rodney? Tagal nating walang communication ahhh, Siguro may nakita ka nang babaeng iibigin mo?'' sino? 

''I'm ok, just focus on studies and playing basketball'' sabi ko habang umiinom ng iced tea

''Ohh I see, Rodney di ko naitanong sa iyo kanina ehh, mahal mo pa ba ako??'' nabigla ako sa tanong na iyon na halos mabilaukan ako sa kinakain ko. Mahal ko pa raw siya? Isang taon bago mahilom ang sugat ko simula nung ginawa niyang panloloko sa akin. 

''Argelle, its too hard to explain, lalo na matagal na yun nangyari. Since bata pa tayo minahal kita hindi lang bilang kaibigan pero higit pa doon. Ewan ko ba kung sinong nagpatukso sa inyo nung lalaking yun kung ikaw o siya? At di ko talaga malilimutan yung nangyaring yun'' tapos na rin akong kumain at nagpunas ng bibig ''Hanggang ngayon, nung nalaman ko yung ginawa mo sa akin, hindi pa rin ako maka move on, kaya nawalan na ako ng tiwala sa ibang tao'' 

''So ako talaga ang sinisi mo kaya ka nagkakaganyan? Rodney sorry na please, alam kong nagpakatanga ako pero promise mamahalin na kita ng higit pa dahil mahal pa rin kita hanggang ngayon'' Baligtad na ba ang mundo? Babae na ang sumusuyo sa lalaki? Sa lahat ng nangyari sa akin hindi ko masabi kung mahal ko pa siya. Sobrang nasaktan talaga ako nun halos itakwil ko si Argelle. Ewan ko ba, naguguluhan ako.

''Pagbibigyan mo ba ako ng isa pang chance?'' -Argelle

Tumayo ako sa kinauupuan ko ''I'm so sorry Argelle, isa pa mali ang ginagawa mong pagsuyo sa lalaki, parang ako ang mawawalan ng respeto niyan ehh. Mas ok if we don't see each other anymore, Sorry kung nagsinungaling ako sayo but I'm already in a relationship in Shiozuka. Bye Argelle'' 

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon