Robin's POV
FLASHBACK
"Miller pass to Shabazz, 1;15 remaining" nagpost move si Shabazz pero naharangan siya ni Boogy at Ian sa ilalim, walang ibang mapasahan mula sa labas si Shabazz. Kailangan niyang ipasa ito kundi matatawagan siya ng 3 seconds violation.
"Shabazz to San Jose, pass to Gelvero from the corner"
"Si Robin!" naiwan si Robin sa gilid at hindi namalayan nila Prince ito dahil hindi nila alam na tumakbo mula sa ilalim si Robin.
"Gelvero for three!!" itinira ni Robin ang bola mula sa three point area sa gilid.
"BANGGGGGGG!!!" napasigaw at napatayo ang mga fans ng Shiozuka nang pumasok ang three pointer ni Robin. "Shiozuka takes the lead for the first time with 1:09 remaining"
END OF FLASHBACK
"Huyy!" bigla akong tinawag ni Jenna habang nakaupo kami sa bleachers ng gymnasium, hindi parin ako makapaniwala sa mga nangyari sa game namin kahapon. Nagfaflashback ang lahat sa isip ko.
"May problema ka ba Robin? Gusto mo sa library na lang tayo magreview, mukhang hindi ka makapagconcentrate ehh" –Jenna
Napakamot na lang ako ng ulo, pero sa totoo lang ang dami kong memories sa gymnasium na ito, parang naging pangalawang tahanan ko na ito since first year pa ako, hindi ko akalaing yung last practice namin before finals ang magiging huling practice ko.
"Hindi ka parin makaget over kahapon noh?" –Jenna
"Araaaaaaaay!!" napasigaw ako dahil kinurot ako ni Jenna sa may pisngi. "Ano ba?"
"Ayy galit na iyan" napahawak ako sa pisngi ko.
"Hindi ako galit, bigla bigla ka kasi"
"Sorry naman, dapat kasi masaya ka dahil nagchampion kayo" –Jenna
Tumayo ako at nagpunta sa center court.
"Huh?" –Jenna
"Tol peram" hiniram ko ang bola dun sa lalaking nagshushooting sa court. Sinubukan kong itira ang bola sa three point line kahit naka pantalon at black shoes ako.
At pumasok ang bola.
"Wow ang galing talaga"
"Hindi na ako magtataka na nagawa niya yan kahapon"
"Nice shot!!" –Jenna
Bumalik ulit ako sa bleachers kung saan ako nakaupo.
"Hindi tsamba yun Robin, magaling ka talaga" –Jenna
Napangiti na lang ako sa sinabi niya, pero nakakalungkot parin na ang laro kahapon ay ang magiging huling laro ko, hindi rin ako makapaniwala na ako ang naging Finals MVP, mas may taong deserving para dito.
End of Robin's POV
SHIOZUKA UNIVERSITY ENGINEERING AND ARCHITECTURE BUILDING
"Good morning!" bati ni Rodney sa mga classmate niya pagkapasok pa lang ng room.
"Wow ang ganda ng mood mo ngayon ahh, dahil ba champion kayo?"
"Congrats Rodney, ang galing mo talaga wala na akong masabi sayo"
"May quit quit ka pang nalalaman, ehh ikaw lang pala ang magpapachampion sa team natin"
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...