3rd Quarter: 9:45
Shiozuka Jaguars- 51
San Agustin Golden Tigers- 55
"Defense! Defense! Defense!" cheer ng mga nakadilaw para sa Shiozuka Jaguars, muli silang nabuhayan matapos ang slam dunk ni Rodney.
"Defense! Defense!" sigaw ng mga bench players ng Shiozuka, kahit hindi sila naglalaro ay tuloy ang kanilang pagboost ng morale sa koponan.
"Bernard's pass deflected by Solitario" nasteal ni Ian ang bola kay Bernard dahil mahina ang pasa niya mula sa itaas.
"Sa atin ang puntos" dala ni Ian ang bola at bumaba sa depensa ang San Agustin.
"Solitario dribbling the ball, pass to San Jose" hindi makathree points si Martin kaya ipinasa niya ito mula sa ilalim.
"Miller jumpshot over Romero, Rodney Isaac Millers cuts the Tigers lead to 2 points!" naging 2 points ang lamang ng San Agustin matapos ang jumpshot ni Rodney, meron nang 10 points si Rodney, apat doon ay mga puntos ngayong 2nd half.
"Anong nangyayari sa depensa niyo!?" sigaw ng coach ng San Agustin.
Ang magandang ngiting nakikita nila Erica at Nessan nang nakilala nila si Bernard ay napalitan na ng nakasimangot na mukha, bakas na bakas sa mukha ni Bernard na kailangan na niyang gumawa ng hakbang upang hindi makalamang ang Shiozuka.
"Pansinin mo si Bernard Ekaii" –Nessan
"Ehh ano naman pakialam ko diyan?" –Erica
"Hindi na umiimik ehh, parang nawalan siya ng gana simula kanina" –Nessan
"Natural di iimik yan, naglalaro ehh" –Erica
"Bernard dribbling the ball, San Agustin are now up by a bucket after leading by 16 points in the 1st quarter"
Na kay Bernard ang bola at bantay siya ni Ian. Ang ngiti ni Bernard kanina ay isang pahiwatig na nagsisimula pa lang ang totoong laban.
Dinribble niya ang bola between the legs kay Ian at nagcrossover ito at tuluyang naiwanan si Ian.
"Nakalusot siya" –Nessan
"Bernard drives the ball, spins over Miller" napahanga ang ilang manonood, matapos lusutan si Ian ay nalusutan naman niya si Rodney pero nakabantay sa kanya si Shabazz pero itinuloy ni Bernard ang paglayup ng bola, pumito ang referee at napadikit ang kamay ni Shabazz sa braso ni Bernard pagkatapos ang layup.
"Bernard with an and one play! Bernard Santilian will have a chance for a three point play"
"Nice one!" –Boogy
"Ang galing mo talaga pinsan" –Prince
"Pasensya na" apologize ni Shabazz sa mga teammates niya.
Pumuwesto si Bernard sa freethrow line at itinira ang bonus freethrow niya dahil sa foul ni Shabazz.
"Santilian convert the and one, San Agustin are up by 5 points"
"Depensa tayo, huwag silang hahayaang makapuntos!" instruction ni Bernard sa mga teammates niya.
"Sige!" –Prince
Opensa naman ng Shiozuka, mas dinoble pa ng San Agustin ang kanilang effort sa depensa kumpara nung 1sr half, malakas sa opensa ang Shiozuka kaya kailangang maging effective ang depensa ng San Agustin.

BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...