12-0 run ang ginawa ng Jousei para maibaba ang lamang ng Shiozuka sa 7 points. Dahil ito sa performance ni J.K. Sanchez, pinapakita lang niya sa mga tao na kasali siya sa Mythical Five ng NCAA.
"Depensa tayo team, malapit na natin silang mahabol" –J.K.
"Oo!" sigaw ng mga teammates niya.
"Ano ba iyan, nahabol ng Jousei ang Shiozuka"
"Wala choker ang Shiozuka"
"Blew a 19 point lead yan pustahan tayo"
"Grrrrrr" biglang nainis si Nessan sa mga naririnig niya sa crowd dahil sa mga sinasabi nila sa Shiozuka.
"Miller drives against Gabales, its good, Miller ends their scoring slump, Jaguars are up by 9 points"
"Ano kayo ngayon" –Nessan
"Go Rodney!" napasigaw si Nessan at napangiti na lang si Erica dahil for the first time ay ngayon ulit niyang nakitang nagcheer si Nessan kay Rodney.
"Gabales over Abdul Karim" nagtapat sa ilalim ang dalawang magaling na sentro na si Joseph at Shabazz, para kay Joseph ay kailangan niyang talunin si Shabazz para maging pinakamalakas na sentro sa NCAA.
"Gabales slams over Shabazz! Gabales says this is my house! And one play!" dinakdakan ni Joseph si Shabazz gamit ang two handed slam, pagkatapos nun ay nag "boo" ang crowd.
"Nakow, ayan nanaman ang mayabang na panget" –Nessan
"One free throw!" dahil sa foul ni Shabazz ay nakatanggap si Joseph ng bonus free throw.
Habang nasa freethrow line si Joseph ay nagboo kaagad ang crowd na naging dahilan ng kanyang pagkaasar.
"Sumablay ka sana" –Robin
"Isablay mo yan mayabang ka" –Rodney
"Sablay sablay sablay sablay" bulong ni Nessan habang nakakame hamewave form ang kanyang kamay at nakatutok kay Joseph. "Sumablay ka"
"Hayyyy mukha ka nanamang eng eng Nessan ehh" –Erica
Itinira ni Joseph ang freethrow at pumasok ito, biglang tumahimik ang crowd, pagbaba ay sumenyas si Joseph na hindi nagustuhan ng mga manonood kaya lumakas lalo ang boo sa kanya.
"Nako Joseph naman huwag mong patulan ang crowd!" sigaw ng coach niya.
"Bawiin natin ang puntos" ipinasa ni Rodney ang bola kay Adrian.
"Gutierrez with the ball" bantay siya si ni J.K. pero hindi siya natatakot kung sakaling makuha sa kanya ang bola.
"Dito" hiningi ni Rodney ang bola kay Adrian, katapat ni Rodney si Kyle.
"Miller against Limbo, Miller shoots" agad na itinira ni Rodney ang bola. "Its good"
"Nice Rodney" –Martin
Muling bumalik ang Jousei sa opensa.
"Sanchez crossover moves over Gutierrez, Sanchez for three! Its good! Jousei are down by 5 points!"
"Sabi na ehh, hindi parin papaawat si J.K." –Erica
"Feeling ko nga kailangang bantayan na siya ng isa sa best defenders ng Shiozuka, hindi kaya ni Ian o Adrian ang level ni J.K. tama nga sila, parang magkasing level na sila ng laro ni Bernard" –Nessan
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...