Chapter 60- Ian's Biggest Challenge

207 7 0
                                        

Fast forward to the game, natapos ang 1st quarter sa score na 22-15, lamang parin ang Jousei. Muling nakahabol ang Shiozuka dahil sa magagandang pasa ni Jeremy at sa scoring ni Martin at Robin.

"We will now start the 2nd quarter, Jousei are up by 7 points"

Sa Shiozuka mapupunta ang attempt.

"Matias guarded by Sanchez, Jaguars are down by 7 points, he pass the ball to Miller" nag man to man defense ang Jousei para pigilan ang Shiozuka sa pagpuntos, bantay ni Joseph ang big man ng Shiozuka na si Shabazz, bantay naman ni J.K. si Jeremy.

"Tsk" hirap si Miller na makapasok sa loob dahil mahigpit ang bantay sa kanya.

"Hindi makakasalaksak si Rodney sa loob, mahigpit ang bantay sa kanya" –Erica

"Man to man defense ang Jousei, mahirap ang sitwasyon ng Jaguars kung ganito" –Nessan

"Miller pass the ball back to Matias" muntik nang makuha ni J.K. ang bola. "Kalma lang tayo guys"

"10 seconds to shoot, Matias bringing the ball, he was tightly guarded by Sanchez"

"Lagot na, mauubos na ang shotclock" –Nessan

"Matias pass to Gelvero, he pulls a three" tumira ng three points si Robin pero minadali niya masyado ito kaya hindi siya sigurado kung papasok ito o hindi.

"Pumasok ka" –Nessan

"Shot won't go" hindi pumasok ang three point shot ni Robin, agad na nag abang ang mga nasa ilalim sa rebound.

"Akin ang rebound!" nakuha ni Joseph ang bola at tinalo niya si Shabazz at Rodney sa pagkuha ng rebound.

"Dito" hingi ni J.K. habang nagmamadaling tumakbo para sa opensa.

"J.K." ibinato ni Joseph ng malakas ang bola kay J.K.

"Habulin niyo" –Rodney

"Sanchez bringing the ball, here comes the Falcons, Two on one break" Dalawang players ng Shiozuka ang nakaabang kay J.K. si Martin at si Jeremy, binantayan ni Jeremy si J.K. habang nakaabang si Martin sa ilalim para pigilan si J.K. sa pagtira ng bola.

"Matias against Sanchez" habang nagbabantayan ang dalawang point guard ay aksidenteng natapakan ni J.K. ang paa ni Jeremy na naging dahilan ng pagkatumba nito.

"Ahhhh" –Jeremy.

Dahil doon ay nawalan ng depensa si J.K. pero nandoon naman si Martin para pigilan si J.K.

"Jeremy" –Robin

"Ok lang ba siya?" –Shabazz

"Sanchez drives over San Jose, and one play! A chance for a three point play" nafoul ni Martin si J.K. sa pagsalaksak nito at pumasok pa ang layup niya.

"Nice one!" –Joseph

Hanggang ngayon ay tumba parin si Jeremy at hinahawakan ang tuhod na nadali sa kanyang pagbagsak.

"Kaya mo pa ba pre?" –Shabazz.

"Hindi pre, hirap akong makatayo" –Jeremy

"Referee Timeout, Shiozuka Jaguars" dahil sa injury ni Jeremy ay pansamantalang tumawag ng timeout ang Shiozuka, hirap tumayo si Jeremy kaya inalalayan siya ng dalawang players para papuntahin siya sa bench.

"Ayos ka lang ba Jeremy?" tanong ng coach.

"Ayos lang coach, pero yung paa ko, medyo masakit yung pagkakatapak ni J.K." –Jeremy

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon