Nessan's POV
This is the night na makakasama kong mag aral si Rodney, pero hindi lang naman kami, sinama ko na rin sina Ekaii pati na rin si Martin para masaya. Si Ian naman, simula nang nag away kami ayun, hindi na nagparamdam sa akin.
''Hello kuya''
''Napatawag ka bunso?''
''Baka hindi ako makauwi ngayong gabi sa bahay, nandito kasi ako kina Rodney ehh mag group study lang kami''''Group study? Ehh Archi si Rodney diba?''
''Oo, ehh wala naman raw siyang kasamang mag aral ehh, saka mga minor subjects lang naman ang pag aaralan namin''
''Kayo lang bang dalawa? mamaya may hindi magandang mangyari sa iyo jan''
''Ahhh hindi kuya, kasama ko si Ekaii pati si Martin''
''Sure ka? pakausap nga kay Rodney''
Hinanap ko si Rodney at tinawag ''Babe, tawag ka raw ni Kuya'' ibinigay ko sa kanya yung cellphone ko at sinagot na ito.
''Bakit Kuya Robin?'' -Rodney
''Mag aaral kaw kayo ng utol ko? Mag aaral huh hindi yung kung anu anu''
''Hahahahaha, mga naiisip mo kuya. Hindi ko naman gagawin yun sa kapatid mo. Ambabata pa namin noh hahahaha'' mga lalaki talaga, hay nako. Bahala kayo jan. malalaki na kayo.
''Sure ka jan, pagkakatiwala ko sayo kapatid ko. kapag may nangyaring masama jan sa kapatid mo. yari ka talaga sa akin''
''Opo boss'' -Rodney
''Good, kausapin ko muna kapatid ko''
''Sige'' binigay sa akin ni Rodney yung cellphone ko.
''hello kuya''
''Ikaw ahh, mag text ka lang sa akin kapag may emergency nang mapuntahan kita jan ok? Sabihin mo lang sakin kapag may ginawang hindi maganda yang mga teammates ko. bangko sila bukas''
''hahaha sige poh kuya''
''Sige bunso mag iingat ka jan ahh, bye''
''Bye kuya'' then end call.
Pumasok na kami sa loob ng bahay ni Rodney. Kasama ko sina Ekaii, Martin, Adrian, Kuya Shabazz at yung isang classmate ni Rodney na Architecture din. Apat na players ng Shiozuka nandito. Sayang wala si Kuya saka si Ian.
''Rodney, anung password ng wifi niyo?'' -Martin
''Wifi lang ba ang pinunta mo rito? May wifi naman sa school diba?'' sabi ni Kuya Shabazz kay Martin, parehas kasi silang Psychology ehh kaya pinapunta ni Martin si Kuya Shabazz para magpaturo. Kasama ko naman si Adrian na kaparehas ko ng course.
"Meron nga, mabagal naman" -Martin
''Sige jan na muna kayo, nakaka OP naman sa mga dakilang sikolohiya ng Shiozuka '' sabi ni Adrian. actually tatlo silang Psycho ehh, si Martin, Kuya Shabazz at si Ekaii.
Kasama ko si Adrian na nag aral sa may living room. Accounting inuna namin dahil nakakadepress talaga itong subject na ito. Nagbasa muna kami ng mga libro, grabeng libro ito ang haba haba ng babasahin. hay nako buhay Accountancy nga naman.

BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...