Chapter 75- The Captain's Wrath

183 6 0
                                    


Author's Note:

Happy New Year everyone!

This would be my first update in 2019

Enjoy! :) 


Start of the 2nd Quarter

Shiozuka Jaguars- 18

San Agustin Golden Tigers- 32

"Ano ba iyan, ang sakit sa mata tignan ang score" –Lucas

"Edi huwag mong tignan" –Lorraine

"Hmmm mukhang may kakaibang happenings dito ahh" lumingon si Erica sa kaibigan niyang si Nessan. "Mukhang ang tahimik mo ahh"

"Ehh sabi mo tumahimik ako ehh" mahinang sagot ni Nessan.

"Nagtatampo ka ba? Sorry naman Nessan, kasi naman ehh, ang ingay mo kasi ehh, sige pwede ka nang mag ingay" –Erica

"Ano pang sense? Kita mo naman yung score oh!" sabay turo ni Nessan sa scoreboard. "Kapag nakita ko talaga yang baboy na iyan, tutuhugin ko ng stick iyan at lalagyan ng mansanas sa bunganga at papaikut ikutin". Dahil sa malaking run na ginawa ng San Agustin ay natahimik si Nessan sa sobrang inis lalo nang nagpasiklab si Boogy sa 1st quarter. "Kuya naman, huwag mong sabihing magpapatalo ka diyan sa baboy na iyan, 1st year lang iyan ehh, I'm sure makakahabol kayo sa 2nd quarter"

Nagstart na ang 2nd half at sa San Agustin ang bola.

"2nd Quarter is underway, five on the floor for the Jaguars are Miller and Gelvero on the forward spot, Matias and San Jose for the guard and Abdul Karim on the center, for the Golden Tigers, The Santilian cousins are on the floor kasama si Boogy Romero at Andre Arce sa frontcourt at Garcia on center position"

Nalusutan ni Bernard si Jeremy at naipasa ang bola kay Andre.

"Mag ingat kayo sa kanya, shooter yan!" –Martin

"Arce fake the shot pass to Romero" nakapwesto si Boogy sa gitna at bantay siya ni Rodney, inikutan niya si Rodney at sinalaksak ang bola, sinubukan ni Rodney na ishutdown si Boogy pero.

"Romero with the shot, and one play!" pinutuhan ng referee si Rodney ng shooting foul kahit hindi sinasadyang mahampas ni Rodney si Boogy sa braso. "Boogy Romero with 20 points on the ball game!"

Sa kabilang banda naman ay napafacepalm na lang si Nessan matapos ang and one play ni Boogy.

"Romero convert the and one play its 18-35, what will the Jaguars response?"

Dinala ni Jeremy ang bola pabalik sa opensa.

"Pupuntos tayo, masyado nang lumalaki ang lamang nila" –Jeremy

"Matias guarded tightly by Bernard Santilian" naipasa niya kay Martin ang bola pero mahigpit siyang nabantayan ni Prince.

"Nako paano ito?" naka box one ang San Agustin, ang tanging naiiwan lang sa kanila ay ang guwardyang si Jeremy.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon