Dahil sa unsportsmanlike foul ni Joseph Gabales ay pinaupo muna siya ng tatlong minuto, dahil doon ay sinamantala ng Shiozuka ang pagkakataon para lumamang sa game na ito.
"San Jose for three, what a shot by San Jose"
"Shabazz slams the ball"
"Miller with the jumper, its good"
Pagkalipas ng dalawang minuto ay namaga na ang lamang sa kinse.
1:45 minutes on the 2nd Quarter
SHIOZUKA- 48
JOUSEI- 33
"Ang laki na ng lamang"
"Lakas talaga ng Shiozuka"
"Partida wala pa si Robin niyan"
"Malaking kawalan si Joseph sa ilalim, halos lahat ng puntos ng Shiozuka ay galing sa paint" –Bernard
"Sa palagay ko mahihirapan ulit ang Shiozuka pagbalik ni Joseph, tatlong minuto lang naman ang tinagal ni Joseph" –Prince
Sinamantala ng Shiozuka ang points mula sa paint ng nawala si Joseph, nakascore si Shabazz ng 8 points at si Rodney naman ay nakakuha ng 6 points.
"Joseph Gabales already checks on the game" pagpasok ni Joseph ay sangkatutak na "boo" ang narinig niya mula sa mga manonood.
"Hay nako" –Bernard
"Karma sa inyo yan, tinambakan tuloy kayo" –Erica
"Ano nang nangyari?" muling bumalik si Nessan sa kinauupuan niya, ang malungkot na mukha ay napalitan ng masayang mukha nang makita niya ang score.
"Hehehehe, ayan siko pa more" –Nessan
Pagbalik ni Joseph. "Tapos na ang masasayang minuto niyo"
"Tsk ikaw na itong nanakit, ikaw pa ang may ganang magsalita diyan, wala kang kadala dala" –Rodney
"Tara team depensa tayo, huwag nating papascorin itong panget na ito!" –Rodney
Matapos ang ginawa ni Joseph ay nabuhayan si Rodney at siya ang nagsilbing leader sa court habang wala ang kapitan.
"Sanchez drives the ball, pass to Carreon" hindi naipasa kaagad ni Edward ang bola, napahakbang ito at lumagpas sa limit.
"Traveling" –Randall
Pumito ang referee at tinawagan ng travelling si Edward.
"Travelling violation by Carreon"
Muling napunta sa Shiozuka ang bola. "Solitario dribbles the ball" agad siyang nagcrossover kay J.K. at napadapa niya ito, dahil doon ay biglang nagreact ang mga manonood sa ginawa niya.
"Ankle breaker yun ahh"
"Ang lupit niya"
"Kaya pala ni Ian iyon, sabi na ehh, pinaghandaan talaga niya itong game na ito" –Nessan
"Hmfff, kung di dahil sakin hindi naman niya matututunan iyan" reklamo ni Adrian na nakaupo sa bench.
Dahil nakahalumpasay si J.K. sa may gilid matapos maiwan sa crossover ni Ian ay nalibre si Ian at itinira ang bola.
"Solitario shoots, its good, Ian Solitario with 15 points, Shiozuka with the largest lead of the game"
Napahanga si J.K. kay Ian. "Mahusay siya"

BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AksiSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...