"4 minutes remaining on the 3rd quarter, Gelvero shoots over Juanito, Shiozuka scores again after a 10-0 run by the Tigers" Naging sampu ang lamang ng Shiozuka matapos ang jumpshot ni Robin.
"Yun nakascore na rin! Nice Kuya Robin!" –Nessan
"Hindi parin nauubusan ng kargada si Robin, wala talagang makakapigil sa kanya" sagot ni Joseph sa kabilang banda habang nanonood ang ilang players ng Jousei.
"Wala nga sa itsura niya ang mainjured ehh, pero si Bernard ang mas maraming kargada" –J.K.
"Bernard crossover moves, shoots over Solitario from the three point line, knocks down a three! Bernard Santilian having a huge third quarter" Meron nang 13 points sa 3rd quarter at siya pa lang ang pumupuntos sa kanilang koponan.
"Sinabi ko na sa inyo ehh" –J.K.
"Ang galing mo talaga Bernard!!" sigaw ng mga nasa bench ng San Agustin.
"Sinabi niyo pa, maraming professional teams ang naglalaway sa kanya, pagkatapos nating magkampeon ngayong taon, paniguradong magiging #1 pick siya sa darating na draft" sagot ng coach ng San Agustin.
"Bernard, wala nang magagawa ang Shiozuka, nasa atin na ulit ang kampeonato, nasa atin na ang tagumpay"
"Coach Kyle burns another full timeout"
Tumawag ulit ng timeout ang Shiozuka Jaguars, 13 points na ang lamang nila at wala silang magawa kung papaano mapapatigil si Bernard.
Malakas ang cheer ng mga estudyante ng San Agustin, todo todo ang suporta nila sa kanilang basketball team at alam na nilang magkakampeon ulit sa anim na beses ang kanilang school, salamat sa 4 time MVP na si Bernard Santilian.
SHIOZUKA JAGUARS BENCH
"Kailangan na nating ishutdown si Bernard, siya pa lang ang pumupuntos sa 3rd quarter, kapag napigilan na natin siya, masisira ang offensive approach ng San Agustin" instruction ni Coach Kyle sa mga players niya.
"Ian at Martin, kayo ang magbabantay kay Bernard sa labas, pag hawak na niya ang bola, idouble team na niya, Rodney, Robin at Shabazz, kapag papasok si Bernard sa loob, kayo na ang bahala sa kanya, madidistract siya sa inyong tatlo, hindi na siya makakatira, no choice siya kundi ipasa ang bola sa mga kakampi niya" –Coach Kyle
"Pero coach? If tatlo kami sa loob, paano yung mga kakampi niya sa labas?" –Robin
"Si Martin at Ian ang bahala sa backcourt pressure, Rodney" tumingin siya dito. "Medyo nakakapagod pero alam kong ikaw lang ang makakashutdown kay Bernard"
"Ako?" sagot ni Rodney.
"Oo, isa ka sa mga best defender sa team natin, ikaw ang magiging main man pagdating sa depensa" –Coach Kyle
Tumunog na ang buzzer at babalik na sa laro ang mga players.
"Pipigilan natin si Bernard, at hindi na ako papayag na makakascore ulit siya" –Robin
Bumalik na sa court ang mga players.
"Kailangan nating pumuntos, nang mabawasan natin ang lamang" –Ian
"Solitario, pass to Miller" agad nakatakbo si Rodney pero nakaharang si Boogy kaya ipinasa niya pabalik sa labas ang bola.
"Miller to San Jose" tinira ni Martin ang bola sa tres.

BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...