Chapter 68- The Golden Tigers's Pressure

174 4 0
                                    


Part 2 of 2 of my story update this week

Enjoy! :)

-Author


Sabay umuwi sina Erica at Bernard, magkalapit lang rin kasi ang bahay nila kaya magkasabay na silang umuwi.

"Bakit kasi hindi pa tayo sumakay ng jeep?" –Erica

"Ok na ito, atleast exercise sa katawan, kaya ka nataba ehh" –Bernard

"Anong sabi mo? Wow ahh nakakahiya naman sayo" –Erica

"Sayang din ang pamasahe kasi, ilang meters lang naman ang school mula sa bahay namin, sanay na kasi ako maglakad kahit isang kilometro ng hindi napapagod" –Bernard

"Natural athlete ka ehh" –Erica

"Hindi, noong bata pa lang ako ay nasanay na ako sa proper exercise, upang mamaintain mo ang katawan mo ay kailangan mong maglakad lakad especially kapag katatapos mo lang kumain para hindi ka tumaba" –Bernard

"Maglalakad lakad? Edi magugutom ka nanaman after" –Erica

"Hindi naman, iinom ka rin naman ng tubig after ehh" tahimik lang silang naglalakad ni Bernard.

"Wala na akong balita sayo ahh, sobrang busy ko din kasi ehh, magkuwento ka naman" –Bernard

"Sakin? Ano naman ang dapat mong alamin sakin ehh simpleng estudyante lang ako" –Erica

"Alam kong psychology student ka, I mean nakakaramdam ka ba ng pressure when it comes to studies?" –Bernard

"Medyo, lalo na kapag nagsasabay sabay ang mga inaaral ko, ehh ikaw? Feeling ko hindi ka napepressure ehh, nag aaral ka tapos naglalaro ka para sa school" –Erica

"Oo nakakapressure talaga, yung speech ko kahapon totoo yun, ngayon lang talaga ako napressure sa season na ito dahil wala talaga akong masabi sa mga team ngayon, lalo na ang Shiozuka, ang laki na talaga ng improvement ng team ninyo" –Bernard

"Sinabi mo pa, nung lumamang nga ang Jousei kahapon mangiyak ngiyak na si Nessan kahapon ehh, nag aalala kasi siya sa kuya niya pati kay Rodney" –Erica

Maski si Bernard ay kinakabahan rin, hindi niya masabi kay Erica ang totoong saloobin niya sa team ng Shiozuka, inaamin niya na natatakot siyang matalo sa mga ito. Maaring makaapekto ito sa magiging performance niya.


THE FOLLOWING DAY

SAN AGUSTIN BASKETBALL GYM

"Teka wala naman tayong schedule practice ngayon ahh" –Boogy

"Hindi ko alam kay insan, pinapapunta niya tayo ehh" –Prince

Pumasok sa loob ng gymnasium ang mga players ng San Agustin.

"Nandito na ba ang lahat ng players?" –Bernard

"Opo!" sigaw ng mga teammates niya.

"Next week na ang finals natin at makakalaban natin ang Shiozuka Jaguars, tinalo nila ng 1 point ang Jousei at nalamangan nila ng 19 points ito, at noong eliminations ay nanalo tayo sa kanila ng 2 points, masasabi ko talaga na hindi sila basta bastang team kumpara sa Jousei Falcons" –Bernard

"Ehh palagi naman tayong panalo ehh" –Boogy

"Huwag natin silang maliitin porket nag 5th place sila last year, malalakas ang freshman nila at tatlo sa kanila ay nasa starting five ng team nila, Boogy" pinagtuunan ng pansin ni Bernard si Boogy. "Marami ka nang pinatunayan sa akin, ipinakita mo na ikaw ang isa sa mahuhusay na freshman ng San Agustin, ipakita mo sa amin sa finals na ikaw ang pinakamagaling kumpara kay Rodney, Martin at pati dun sa Ian Solitario na yun" tumingin naman siya sa pinsan niya. "Prince! Mas magaling kang scorer kay Robin, kahit 2nd year ka palang ay ipinakita mo sa lahat na ikaw ang best shooter sa NCAA, gusto ko ay ipagpatuloy mo ang ginagawa mo"

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon