Chapter 51- Rodney VS Matthew: Battle of the Super Rookies

246 7 0
                                    

SHIOZUKA JAGUARS DUGOUT

Pumasok na masaya ang buong team dahil lamang sila ng 4 points, pero kabado parin ang ilang players ng Shiozuka, isa na dito si Rodney.

"Calm down tayo guys, magpahinga muna kayo, kailangan na nating ilabas ang ating full force sa 2nd half" instruction ng coach nila.

Napapaisip si Rodney, kahit lamang sila ng 4 points ay hindi siya makampante. Maganda ang performance ng ilang players ng Santo Domingo especially ang kanilang foreign center na si Mickey Bankole. May posibilidad na may isang player ang magstep up sa kanila.

"Rodney" tinawag siya ng isa sa assistant coach ng team.

"Bakit po coach?"

"Alam ko naging teammate mo nung high school si Matthew"

"Opo"

"As of now, 9 points pa lang ang nagagawa ni Matthew. Maaring magcreate ng points si Matthew sa 2nd half"

Napapaisip na lang siya kung mapipigilan niya si Matthew sa 2nd half. Medyo tahimik ang performance ni Matthew nung mga huling 3 minutes ng 2nd quarter.

Sa kabilang banda naman


SANTO DOMINGO RED LIONS DUGOUT

"Lamang parin sila ng 4 points, panigurado kakayanin parin natin na makahabol" kalmado lang ang coach ng Santo Domingo dahil alam niyang makakahabol pa ang kanyang team. Malaki ang tiwala niya sa kanyang mga players.

"Almost lahat ng players nila nakakapagcontibute ng points, kailangan mashutdown ang kanilang main scorer"

"Hindi na kailangan coach" sagot ni Matthew. "Kailangan na lang nating magfocus sa isang player, kay Rodney"

"Paano mo nasabi yan Matthew?" –Jamir

"Kayang kaya ko siyang ishutdown, once na ako ang magbantay sa kanya, hindi na siya makakapuntos" nang malaman ni Matthew na muling maglalaro si Rodney sa team ay niresearch niya ang playing style ng Shiozuka at kung papaano ang play nila kapag kasama si Rodney. At dahil magkakampi sila dati, alam nito ang main weakness ni Rodney.

'Time na guys, kailangan na nating bumalik sa game" –Jamir

Lumabas na ang magkaparehang koponan sa kanilang dugout, ang nasa isip ni Matthew "Kailangan naming pumuntos ng pumuntos"


2nd Half

Sa Santo Domingo mapupunta ang bola at gamit ng coach ng Santo Domingo ang kanyang starting five, ang starting five naman ng Shiozuka ay sina Rodney, Ian, Martin, Robin at Shabazz.

"Kailangan nating gandahan ang depensa natin, kailangan mamaintain natin ang ating lamang" –Robin

"Bantatua with the ball, drives over Miller" akala ni Matthew na ipapasa ni Rodney ang bola kaya nagbago ang posisyon ng kanyang depensa kay Matthew.

"Halaa" –Rodney

"Bantatua with a shot, its good" nafakeshot ni Matthew si Rodney, hindi niya napansin na nakatingin lang si Matthew sa kabilang pwesto.

Pagkarebound ni Shabazz ay nakuha muli ng Santo Domingo ang bola. "Bankole, blocked by Shabazz"

"Fastbreak!" binato ni Shabazz ang bola kay Rodney at idinakdak ito.

"What a slam dunk by Miller, Shiozuka are up by 4 points"

"Kareem, screened by Porter, Kareem attacking offense, Jamir Kareem with a layup"

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon