Chapter 66-The Free Throw

187 6 0
                                    

SHIOZUKA BENCH

"Huwag tayong makampante guys, kahit wala na si Joseph sa kanila ay nakakasigurado ako na hindi parin sila madaling talunin" sagot ni Coach Kyle, napatingin na lang ito kay J.K. Tahimik lamang ang star player at nag iisip kung paano matatabla o malalamang ang laro sa kamay nito. Alam ni Coach Kyle kung paano ishutdown ang isang magaling na guwardya dahil dumaan na rin siya sa pagiging magaling na point guard sa NCAA at sa professional league.

"Ganito ang gagawin natin, ittrap natin ang halfcourt, Rodney ikaw ang magbabantay kay J.K, tutulungan ka ni Robin. Randall magpalit kayo ni Ian" instruction ni Coach Kyle.

"Yes coach" –Ian

Para kay Ian naman ay wala siyang tampo kung ilalabas siya ng kanyang coach, para sa kanya ay ayos na ang larong ito at wala na siyang dapat patunayan dahil ipinakita na niya ang kanyang husay, lalo na kay J.K.

"Kami magbabantay kay J.K.?" –Rodney

"Oo Rodney, sa tingin ko ay ikaw ang makakapigil sa kanya" –Coach Kyle

Tumunog na ang buzzer at muling tutuloy ang laro, meron na lang dalawang minutong natitira.

"Para sa tagumpay, para sa finals! One! Two! Three! JAGUARS!!!!"

"LAST TWO MINUTES!!!" lumakas na ang hiyawan ng crowd nang malaman nila na dalawang minute na lang ang natitira sa labang ito.

"Pigilan natin sila" –J.K.

"Offense! Offense! Offense!" –Nessan

"Offense! Offense!" –Erica

"San Jose dribbling the ball, steal by Sanchez!" nasteal ni J.K. ang bola sa pagddrible ni Martin, ito na ang ikasampung steal ni J.K. sa laro, bale ay may double double na ito.

"Bilisan niyo, yung play natin!" utos ni J.K. sa mga kakampi niya.

"Sanchez against San Jose, WOWWW!!! What a spin move!" nalusutan niya si Martin pero hindi siya nakaligtas sa depensa ni Robin at Rodney.

"Whoaaah, Miller and Gelvero are guarding Sanchez" sinunod nila ang defensive play ng coach nila na dedepensahan ni Rodney si J.K. at si Robin naman ang tutulong dito.

"Hindi ba nila alam na maraming libre?" –J.K.

"Higpitan niyo ang depensa, mauubos na ang oras!" –Coach Kyle

"Edward!" ipinasa pataas ni J.K. ang bola kay Edward.

"He pass it to Carreon" tumakbo si J.K. at kinuha ulit ang bola kay Edward.

"Sanchez takes back the ball, he's against Miller" mas nahirapan si J.K. kay Rodney kumpara kay Ian dahil mas malaki at mas mahaba ang wingspan ni Rodney kaya hirap siyang makapasok sa loob.

"Sanchez tried to attack to the basket" kahit bantay siya ni Rodney ay pinipilit parin niyang makapunta sa basket.

"Hindi pwede" tinulungan ni Robin si Rodney para pigilan ito pero imbis na sa bola ang tapik.

"PRRRRRT!!" nabigla si Robin sa pito ng referee at narelease na ni J.K. ang bola mula sa basket.

"Sancheeeez, gets the basket may kasama pang foul!!" nagbago ang reaction ng crowd at ang crowd naman ng Jousei ang nag ingay. "Jousei with their first lead since the first half, they are now lead by 1 point with 1:19 minutes remaining"

"Nako po" –Nessan

"Pasensya na" mahinahong sinabi ni Robin sa mga teammate niya.

Rebound: GAME OVER (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon