Nessan's POV
Ayun di maganda ang gising ko. Bakit??
Nasermonan ako kanina ni Kuya Robin dahil nagsumbong yung prof ko na nag cutting ako sa subject niya. Ehh bakit ba? Kaya ko namang humabol saka isa pa lang naman ang absent ko ehh kaya keri ko naman.
''Kuya makakahabol naman ako sa lesson ehh, kaya lang naman ako nag cutting para suportahan ko kayo ehh kesa naman sa pagala gala ako''
''Kahit na Ness, Mas importante pa rin ang pag aaral mo. Don't mind us players. Our duty is to represent our school na may magandang reputations. Pero kahit kaming mga varsity players, marami rin kaming pinagdadaanan at paghihirap sa studies. Mahirap kaya ang maglaro at mag aral noh.'' umupo si Kuya sa tabi ko, magtatakip na ako ng tenga ko baka kung anu pang sasabihin sa akin. ''Kaya ikaw, mag aral ka na lang ng mabuti. Buti nga ikaw walang hindrances sa pag aaral kasi wala ka namang sinasalihang mga organizations, di tulad ko. Team Captain ng Basketball Team at Member ng Student Council, ang hirap kayang pagsabayin nun'' tama si Kuya, marami rin akong mga pangarap sa buhay, sabi ko pa noon magiging CPA lawyer ako pagkatapos kong makagraduate ng limang taon. Tapos yung kinatingan kong class Accounting pa. Masyado akong napapadala sa pagiging basketball addict, napapabayaan ko pati pag aaral ko.
''Basta huh huwag mo nang uulitin yun bunso, kapag may time naman pwede kang makapanood ng mga games namin. But focus on your studies first ok?''
''Yes kuya, Sorry ulit'' at niyakap ako ni kuya, kami kami na nga lang ang nandito magtatalo pa kami. i love my kuya kahit medyo may pagka weird iyan.
SCHOOL
Medyo di maganda ang mood ko nung pumasok ako. Dahil medyo maaga pa naman, nagpunta muna ako sa CR. Parang ang sama ng pakiramdam ko, mukang nahawa ako kay Rodney ehh.
Pumasok ako sa cubicle at nag CR muna. After nun naghugas ako ng kamay ko at naglagay ng hand sanitizer at lumabas na. Ang next subject ko ay Humanities at nasa 4th floor pa ito kaya umakyat na ako kahit nakakapagod.
TIME CHECK 8:45 AM
Napaaga pasok ko ahh, di na bale hintayin ko na lang.
Umupo ako sa may bench malapit sa room at nag plug ng earphones. Habang nagsosoundtrip ako baiglang may isang girl na umagaw sa attention ko. Naka civilian lang siya at unfamiliar sa paningin ko. I think hindi siya estudyante ng Shiozuka University. Mukang naliligaw siya.
Tinuloy ko na lang yung pagsosoundtrip ko then suddenly may group of guys na lumapit sa babae.
''Hi Miss, may hinahanap ka po ba?'' banat nung lalaki, teka teka? itsura pa lang alam mo nang di gagawa ng maganda ito ahh
''Ahhmm yeah, San poh ba yung Room 405 dito?''
''Di ko alam ehh, pero kung gusto mo samahan ka na lang namin'' Di alam? Ang mga students dito alam ang lahat ng rooms rito, kahit di ako architecture or engineering alam ko kung saan ang mga rooms ng mga yun.
''No thanks, ako na lang ang maghahanap'' tumalikod na yung babae pero hinarangan siya nung isang lalaki na medyo mataba. ''Samahan ka na lang naming maghanap ano ka ba?'' sabay hawak nung lalaki sa braso ng babae at naglakad sila pakaliwa, sabi ko na nga ba pagmumukha pa lang ng mga g*go alam mong gagawa ng kag*guhan.
Dahil medyo concern hinabol ko sila sa dinaanan nila
''Saan niyo ba ako dadalhin huh?'' pasigaw nung babae
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...