Rodney's POV
Dalawang araw na akong hindi makatulog, gusto kong pigilan si Tito Roger pero ayaw talaga niyang magpatalo sa akin, from breakfast hanggang dinner akong nag aapproach na "Ayoko po" pero hindi parin siya nagpapatalo, gustong gusto niya talaga akong dalhin sa America para sa team nila.
Napamahal na ako sa Shiozuka University, unang dahilan ay dahil kay Nessan, muling bumalik ang self confidence ko nang dahil sa kanya, siguro nga kung wala siya ay hindi kami nagchampion this year, pangalawa ay dahil sa pangarap na aking natupad, yun ay ang manalo ng kampeonato, doon ko narealize ang aking pagmamahal sa basketball pati na rin sa school ko dahil hindi lang ako ang naging masaya, naging masaya ang Shiozuka Community at ang huli ay ang mga teammates ko. Nung bumalik ako ay muli nila akong tinanggap bilang teammate nila matapos ang ginawa kong iskandalo dati, sa tuwing mag isa ako ay nandoon sila lagi para samahan ako, kausapin ako at marami pang iba. Marami akong natutunan dito sa Shiozuka kaya hinding hindi ko ito iiwanan.
Lumabas muna ako sa kwarto ko pero hindi muna ako nagpunta sa sala dahil baka kulitin lang ako ni Tito Roger, nagpunta ako sa dining para kumuha ng makakain, kinuha ko yung tasty bread saka butter at inilapag ko sa mesa, sa paglapag ko ay may nakita akong folder. Para saan ito?
Kinuha ko yung folder at binuklat ko ito, nagulat na lang ako sa aking nakita, isa itong request for school transferring. Nang nakita ko ito ay kaagad kong hinanap si Tito Roger.
"Tito Roger!?" sinubukan ko siyang hanapin pero si Mia lang ang nadatnan ko sa may labas. "Mia!"
"Bakit Rodney? Wala si daddy ehh, may pinuntahang importante" –Mia
"Please explain this? Ano ito? Sabi ko na ngang hindi ako aalis ng Shiozuka ehh"
"I'm sorry Rodney, talagang mapilit si daddy ehh, nagpunta siya sa school niyo kanina tapos sinabi na lilipat ka na raw ng school kaya gumawa siya ng request for transferring" –Mia
"Sabing ayoko ehh, Mia please tell to him na tigilan na niya ako, mas marami namang magagaling sa buong mundo unlike me" dahil sa pagmamatigas ko ay nilukot ko ang request for transferring pati na rin ang ibang papeles.
Kinagabihan ay hindi ako sumabay sa kanila sa pagkain, pinatapos ko muna sila bago ako nagpunta sa dining area. Pagkapunta ko roon ay nakita ako ng pinsan kong si Mia. "Rodney"
"Oh?"
"Bad news, kinuha na ni daddy ang lahat ng school files mo sa Shiozuka, mukhang sasama ka na sa amin sa San Francisco" –Mia
"Mia naman, sinabi ko naman sayo na hindi ako----" habang nagsasalita ako ay sumawsaw si Tito Roger.
"Wala ka nang magagawa, I took all of your school files in Shiozuka and sasama ka na sa akin sa San Francisco" –Tito Roger
Inilapag niya sa table ang mga school files ko which includes my Transcript of Records, Good Moral, at iba pa. Mukhang desperado na itong si Tito Roger. "Alam mo Rodney, we are doing this for the sake of your future, malaki ang utang na loob namin sa parents mo for what they had done to me, and to my family, and I'm doing this para masuklian ko ang kanilang mga tinulong sa akin, I hope you understand"
Habang hawak ko ang folder ay bigla na lang akong natahimik, bakit naman ganito? Bakit biglaan silang nagdecide ng ganito, ginawa ko na ito dati ehh pero hindi ko naman itinuloy dahil may mga hindi pa ako natatapos, pero ngayong tapos na ang lahat, mukhang ito na ang senyales ng bagong kabanata ko sa buhay. Ayoko talagang iwan si Nessan, ayokong iwan ang team at ang aking school pero ito talaga ang nakatakda sa future ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
ActionSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...