Shabazz's POV
Final Four, this is it. Ito na ang pinapangarap ko at ito ang simula ng road to championship namin.
"Final Four na, kahit anong mangyari, lalaban tayo para makapasok sa Semifinals, Okay team 1...2...3... JAGUARS!!"
"Tara na team, baka madefault pa tayo" –Robin
Lumabas na kami sa dugout at pumunta sa court, nakakapressure lang, ito ang unang Final Four appearance namin ni Robin sa mahigit 4 years naming naglalaro sa NCAA.
"Welcome fans, this is Chito Corpuz along with Arnel Macarinas and this is the NCAA Season 76 Final Four, to start the playoffs we will see the quarterfinal matchup between the #3 team Santo Domingo Red Lions and the #4 team Shiozuka Jaguars"
Teka? Sino yun? Mukhang bagong foreign student athlete?
Namumukhaan ko siya, pero bakit hindi ko siya nakitang naglaro nung elimination round? Bago ba siya?
Hindi ako pwedeng magkamali, parang nagkita na kami.
FLASHBACK
Lagos, Nigeria
Nagbakasyon ako last last year sa Nigeria kasama ang pinsan ko, then nagkaroon ng program ang NBA, Ang "Basketball Without Borders" parang training camp siya para sa mga players na gustong makapasok sa NBA, medyo sinuwerte ako kasi napasama ako sa program na iyon na ginanap sa hometown ng pinsan ko.
At doon ko siya nakilala, nagkatapat pa kami sa isang tuneup game.
"Bro, who's that?" tanong ko sa pinsan ko.
"That's Mickey Bankole, from Republic of Cameroon" nagulat din ako na 15 years old pa lang siya pero 6'6" at ang lakas niya from the inside. Nagkatapat kami dati at hindi siya basta basta kahit bata pa lang siya, ang kanyang katawan ay hindi pang 15 years old.
Sabi ng iba ay may posibilidad daw siyang mapunta sa NBA kaya iniiscout siya nga mga schools sa America. Pero dito siya napunta sa Pilipinas. Magic bunot ang Santo Domingo, paano na lang kung siya ang makakatapat ko ngayong Final Four,
END OF FLASHBACK
"Shabazz!" tinatawag na pala ako, lumapit ako sa huddle namin.
"May problema ba pare?" napatingin si Rodney doon kay Mickey.
"Kilala mo yun?" –Rodney
"Oo bro"
"Hindi siya naglaro nung eliminations, nakahanap nanaman sila ng bagong foreign student" –Martin
Lumapit muna kami kay coach "Man to man defense muna tayo, Jeremy, doon ka kay Jamir, Martin sayo si Jerson, Rodney sayo si Matthew"
"Heh" confident si Rodney ngayon.
"Robin sayo si Zach, Shabazz, sayo yang bagong player na iyon" so sa akin talaga mapupunta si Mickey.
"The game between the Shiozuka Jaguars and the Santo Domingo Red Lions will now go underway, here's our starting lineups"
Author's POV
"Here's our starting lineup up, here's your Shiozuka Jaguars. At guard # 6 Jeremy Matias, another guard # 5 Martin San Jose, At center # 9 Shabazz Abdul-Karim, at forward #11 Robin Gelvero, another forward #13 Rodney Isaac Miller"
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...