Rodney's POV
Umuwi na ako sa bahay namin and nagbihis na ng pambahay at inilatag ko na yung drawing materials ko sa table. Naka set na yung drawing table ko. inilabas ko yung T-Square ko, Triangles, Compass pati mga set of pencils. At binuksan ko yung canister ko at inilabas yung ginawa kong plate, dalawa pa ito ehh pero kailangan ko nang gawin ng maaga. I need to pass this on Monday saka mahirap kasi ito ehh.
Hindi lang ito basta drawing, isa itong three point perspective na may Man's Eye View, Bird's Eye View at Worm's Eye View. Ang hirap kaya ng object na binigay sa amin. Kailangan sakto yung sukat, pati dapat maayos yung inking, asar eto talaga ang ayaw ko ehh yung pag ink ng final drawing.
Mga 5 minutes, sinimulan kong gawin yung Worm's Eye View. Eto yung ilalim na view ng object. Natapos ko siya then Man's Eye View, simple lang ito kaya madali lang then yung Bird's Eye View.
Natapos ko siya ng 15 minutes, galing noh. Nakakapagod makapag open nga muna ng Facebook.
19 Notifications
Dami naman, iba talaga kapag kilalang kilala ka sa school.
Wait online si Nessan. Anung oras na ito ohh.
CHAT
Me: Tulog na baby ko.
Sa totoo lang, hindi talaga ako seryoso. Yeah I'm not serious na niligawan ko si Nessan. Dahil malapit lang siya sa akin kaya siya ang pinagpanggap kong girlfriend ko. Gusto kong malimutan ang lahat ng mga masasakit na alaala ko kay Argelle. I want to start na new chapter of my life. Hindi na ako high school na basta basta nagpapauto. Dahil sa mga masasakit na alaala kong iyon kay Argelle. Nasira ang mundo ko, at si Nessan lang ang nakakapagbago nun para sa akin.
Nessan: Ikaw din babe may game ka pa bukas ahh
Concern na concern siya sakin.
Hindi naman sa ginagamit ko si Nessan pero may utang pa ako sa kanya ehh. Remember the time na iniligtas niya ako nung tune up game nami against Jousei, She was there to save me. I know Nessan is a good girl, mabait siya, malambing at masarap pakisamahan. Pero wala ehh, siya lang ang pinaka close friend ko na babae sa Shiozuka. I'm trying to be nice with her sometimes but she's just my ordinary fan, wala namang mangyayari sa amin noh.
Me: Bakit ikaw? Di ka pa natutulog? BTW may Skype ka ba? Dun na lang tayo mag chat. Bored ako ngayon ehh.
Maaga pa naman, its already 8:30 in the evening.
Biglang may nag pop out sa Skype ko, Anung kailangan ni Argelle huh?
Me: What do you want?
Anu naman ang kailangan nito?
Argelle: good luck bukas Rodney, malalaman bukas kung sinong school ang pinaka malakas :)
Promise ko, tatalunin namin ang San Agustin bukas, stay tuned guys.
Me: Thank you :) Good Night
Argelle: Wait, may ginagawa ka pa ba?
Me: Yup, super busy ako. May dalawa pa akong plate na tatapusin ehh
Argelle: Ehh diba may game ka pa bukas, you should rest now.
Me: Mas uunahin ko yung plates ko noh, mahirap nang bumagsak. Mas importante ang pag aaral
Argelle: Naks, ang sipag naman. One question for you. Girlfriend mo ba talaga yung babae nung isang araw?
Me: Yeah, Her name is Nessan Gelvero, She's the sister of our Team Captain. Bakit? Nagseselos ka?
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AksiSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...