2nd Quarter 5:02 minutes remaining
Shiozuka Jaguars- 32
San Agustin Golden Tigers- 40
"From 16 points, naging 8 points na lang ang lamang ng San Agustin" –Erica
"Lamang parin sila, buset kasi yang Bernard at tabang yan, pag nakita ko talaga yang tabang yan, iihawin ko siya grrrr" –Nessan
"Bernard pass to Arce, catch and shoots! Arce three points!" muling bumalik sa double digits ang lamang ng San Agustin dahil sa three points ng kanilang reserve guard na si Andre.
"Depensa niyo nawawala! Nakakalibre ang mga shooters!" –Coach Kyle
"Gelvero bringing the ball" nakaabang ang lahat kay Robin dahil sa kanya halos galing ang puntos ng Jaguars sa ngayon.
"He's against Arce, Gelvero for three!" inisip ni Andre na hindi ito papasok dahil pilit ang tira ni Robin.
"Another three for Robin! He's got 20 points! Robin Gelvero is on fireeeeee!!"
"Ang galing mo talaga captain!" –Rodney
"Grabe, wala na talaga akong masabi kay Kuya Robin, maning mani na talaga ang scoring sa kanya" –Nessan
"Praktisadong player ang kuya mo ehh, kitang kita mo sa kanya na gusto talaga niyang manalo" –Erica
Patuloy parin ang magandang performance ng Shiozuka pero hindi parin nagpapatalo ang San Agustin at gusto nilang makasigurado na maintain nila ang kanilang lamang bago matapos ang 1st half.
"Romero spins over Miller, foul counted! Boogy Romero with a chance for a three point play!" naikutan ni Boogy si Rodney upang makaiwas sa depensa nito.
Makalipas ang dalawang minuto ay sinubukan nilang ishutdown ang scoring ni Robin at nagtagumpay naman ang Tigers. Hindi na nakapuntos si Robin matapos ang three points niya. Mabuti na lang ay may kargada pa ang kanyang mga kasamahan.
"Gelvero to San Jose, ball fakes pass to Abdul Karim, hits a three, Shabazz from downtown!" maski ang ilan sa mga players ng Shiozuka ay nagcocontribute na rin ng puntos.
"San Jose with a jumper, its good, Shiozuka are still down by 8" pero kahit maganda ang pinapakita ng Shiozuka pagdating sa opensa at depensa ay maganda parin ang flow ng opensa ng San Agustin, salamat sa leadership ng kanilang kapitan na si Bernard Santilian.
"Matias with the J, short!" nag abang si Ian, Boogy at Rodney para sa rebound, binox-outan ni Rodney ang dalawang players ng San Agustin upang makuha niya ang bola, pero hirap it okay Boogy dahil sa laki ng katawan nito.
"Rebound by Miller!" nakuha niya ng matagumpay ang rebound.
"Pre!" ipinasa ni Rodney kay Jeremy ang bola at siya ang nagdala ng bola na may isang minuto na lang ang natitira sa 1st half.
"Hinga hinga muna, isang minuto na lang, sa atin ang puntos na ito" –Jeremy
"Matias pass the ball to Gelvero, Tigers looking to stop Robin, he drives over Arce" isinalaksak ni Robin ang bola pero nakita niyang libre si Martin kaya ipinasa niya ito. "Gelvero to San Jose" ipinasa naman niya kay Rodney ang bola mula sa gilid. "To Miller, Miller sets, shoots on the top of the key, its good!" Naging maganda ang ball movement ng Shiozuka within the last minute kaya walang nagawa ang San Agustin para mashutdown ang opensa ng Shiozuka.
![](https://img.wattpad.com/cover/16113051-288-k768517.jpg)
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
AcciónSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...