Nessan's POV
OMG!!! First date namin ni Rodney ito. Excited na ako.
Niyaya niya kasi akong magdate raw kasi pagkatapos ang class niya. Ang sweet niya diba? Sana mag alas kwatro na hahahaa, excited ehh may training pa nga raw sila.
''Ness!!!!'' ay nak nang pating, di ko nakita itong si Ekaii
''Ekaii bakit parang hinahabol ka ng benteng aso sa reaksyon mo?''
''Yun nga ehh, sold out na raw yung tickets sa game against San Agustin at Shiozuka'' -Ekaii
''NAKNANGTOKWA YAN!!!!! Kelan pa? Asar di man lang ako nakabili. Grabe naman, ambilis maubos ng tickets'' grabeng reaction yan, parang mas daig ko pa yung nakakuha ng singko sa card
''Kahapon daw kasi halos 20,000 tickets ang binenta, ngayon wala na raw'' -Ekaii
Wala na bang sobra? Gusto kong mapanood yun ng LIVE, first time ko na nga lang makapanood ng much awaited game ehh.
''Ok lang yun Ness, manood na lang tayo sa TV'' -Ekaii
''Ayaw, gusto ko panuorin ng live yun ehh, ehh wala na raw tickets, kahit sa sulok sulok lang basta makita ko sila sa personal''
''Wala tayong magagawa Nessan, huwag ka nang umasa na may susulpot na ticket jan sa kamay mo or may babagsak na ticket na galing sa langit, Huwag ka nang choosy ok?'' -Ekaii
Ehh sa gusto ko silang mapanood ng live. Kaasar naman, bakit ba nalimutan kong bumili ng ticket.
''Ness may pupuntahan ka pa ba?'' -Ekaii
''Wala ehh, may hinihintay lang ako''
''Si Rodney? Yieeeee'' -Ekaii
''Ikaw ahh tigilan mo ako ahh, ehh kayo nung Bernard mo kamusta?''
''Tse!! Bernard ka diyan, saka na yun kalaban natin yun ehh pero alam mo Ness may kukuwento ako sa iyo'' ano nanaman ito Ekaii, kung kwentong barbero lang iyan, wala akong panahon para diyan.
''Di mo ba alam nagselos si Martin nung nakita niya kaming magkasama ni Bernard kahapon'' -Ekaii
''Sabi ko na nga ba ehh mga kwentong barbero mo nanaman iyan ehh''
''Totoo ito Nessan anu ka ba'' Ok totoo na kung totoo, sinabi mo ehh
''So nagalit si Martin?''
''Di naman, pero may kutob ako sa reaction kahapon ni Martin, kinakabahan tuloy ako mamaya magpang abot yung dalawa sa game'' -Ekaii
''Di yun, bakit kayo ba ni Bernard? Eto Ekaii ahh, sinung pipiliin mo? Si Martin o si Bernard?''
''Ahh ewan'' -Ekaii
''Yieeeee, haba ng hair mo teh''
MGA BANDANG 4PM
''Sir is it ok to finish this tommorow?'' kausap pa ni Rodney yung professor niya, di pa daw kasi siya tapos sa pinapagawa sa kanya dahil busy siya sa training. Hirap nga talagang maging varsity.
''You may pass it to me on Monday dahil may game kayo tommorow diba? Good Luck sa inyo Rodney''
''Thank you sir, Ipasa ko na lang po sa inyo sa Monday'' -Rodney
BINABASA MO ANG
Rebound: GAME OVER (Complete)
БоевикSi Rodney Isaac Miller na kilala bilang ''King Jaguar'' ng NCAA Region 1 ay nagkaroon ng masalimuot na nakaraan, para mahilom ang sakit na nararamdaman niya sa pag ibig. Nakilala niya ang isang babae at ginamit niya ito upang malimutan ang kanyang n...