CHAPTER #32 - FRIEND

2.8K 77 0
                                    

CHRIST'S POV

Madaling araw nagising ako sa hindi ko alam na dahilan pagkamulat na lang ng mata ko hindi na ako makatulog kaya naisipan kong maglakad lakad sa tabing dagat lumapit ako sa tubig isinaw-saw ko ang paa ko dito at hinayaang mabasa.

"Lola! Si Christ po naglalaro ng tubig!" Sumbong ng kapatid ko kay lola.

"Christ wag ka maglaro ng tubig mababasa ka mamaya pa tayo mag si-swimming kasama sila Mommy at Daddy" nakangiting sabi ni Lola kaya umalis na ako sa tubing at tumakbo papalapit sa kanila pagkalapit ko kumapit ako sa kamay ni Lola.

"Sumbungero ka!" Sabi ko kay Cross.

"Ikaw makulit ka!" Sabi nya rin sa akin.

"Hey! Stop na bad yan..." Sabi ni Lola kaya napatigil kami umupo si Lola para magkasing pantay kami tinignan nya kami at ngumiti ito "Ipangako nyo kay Lola hindi na kayo mag-aaway... Ayaw na ayaw ko nag-aaway kayo ah" sabi ni Lola kaya tumango na lang kami ni Cross lahat ng hinihiling ni Lola tinutupad namin ni Cross kasi ayaw naming maging malungkot sya.

"Sorry Christ.." Sabi ni Cross at tumingin sa akin napatingin ako sa kanya at ngumiti.

"Sorry din Cross... Piggy back!" Sigaw ko at humangkas na sa likod nya.

"Wait umayos ka ang bigat mo!" Sigaw nya kaya umayos ako habang naglalakad kami nakahangkas ako sa kanya hindi nawawala ang ngiti sa aming tatlo at dun ako masaya yung na papangiti namin ni Cross si Lola.

BEHIND THOSE GLASSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon