CHAPTER #69

1.9K 77 0
                                    

ACE'S POV

Uwian na namin nandito kami sa hallway papunta parking lot katabi ko si Christ napag-isipan nya na wag na daw umuwi at dumiretsyo na kami.

'Excited rin kaya din sya... sa friendly date namin?' tanong ko sa isip ko sa totoo lang napapansin ko ring hindi ako maka get over dun sa friendly date. P*ta bakit kasi... ano basta!.

"Hey, your spacing out" Bumalik ako sa ulirat nung may kumalabit sa akin. Si Christ pala.

"Ah sorry" nahihiya kong sabi.

"Its okay, you don't have to be shy" nakangisi nyang asar sa akin.

"Me? nahihiya? No!" tanggi ko ngumiti na naman ito ngayon ko lang uli sya nakitang ganito ngumiti. Kakaiba ang ngiti nya sa paningin ko hindi ko ma-explain.

"Hahaha sige lang" natatawa nyang sabi. Ngayon napatawa ko pa sya.

Ang sarap sa pakiramdam na ikaw ang dahilan kung bakit sya tumatawa.

Hindi namin kasama yung mga uggok mas maaga kaming pinalabas. Sabihin ko kaya kay Mama dagdagan ang sahod ng huling teacher namin? kaganina pa ako sabik na sa sabik sa lakad namin.

Pagdating namin sa parking lot sumakay na ako sa kotse kinuha ko sa bulsa ko yung susi at binuksan ko na ang makina ng kotse ko pero pagtingin ko sa katabi ko wala pa ito nakita ko lang sya sa bintana nandun sya sa labas nakatingin sa akin na pinakaiinisan kong ekspresyon ( poker-face ) ng mukha nya.

Binuksan ko yung bintana "What are you waiting for? hop in!" sabi ko sa kanya tinignan nya lang ako tapos umiling at binuksan yung pintuan at sumakay na. Tahimik lang sya at nakatingin sa bintana kahit hindi pa umaandar yung sasakyan nag iba yung atmosphere.

"Ahmm... let's go?" naiilang kong tanong marahan naman syang tumango.

Inis akong nagdrive papaalis hindi ko alam kung saan kami pupunta basta bigla na lang ano nainis dahil sa inaakto nya ngayon.

"Stop..." bigla nyang sambit kaya agad ako napa-preno napatingin ako sa kanya kung okay ba sya buti naka seat belt sya.

"B-Bakit?" tanong ko buti wala pa kami sa high way, jusko baka madungisan pa ito baby ko. Nagulat ako nung tinanggal nya yung seat belt at lumabas sinundan ko lang sya ng tingin dumaan sya sa harapan tapos nandito na sya sa tapat ng pintuan ko.

Binuksan ko yung bintana at taka paring nakatingin sa kanya.

"Get out" seryoso nyang utos napanganga naman ako hindi ako makakilos naguguluhan ako. Bakit na ako pinapalabas? baka suntukin nya ako bigla at ma coma ako ng isang taon "Get out, now" diin nya kaya mabilis kong tinanggal yung seat belt ko tumabi sya para mabuksan ko yung pintuan.

Sumakay sya sa driver sit at sinarado yung pintuan bigla naman kumulo dugo ko akala ko kung anong meron anong gusto nya nakawin kotse ko?!.

"What do you think your doing?!" inis na sabi ko.

"Sumakay ka na magbibilang ako pag hindi ka pa sumakay iiwan kita" sabi nya naman kaya agad naman ako sumakay. Tsk! nakakahiya bigla na lang ako natakot! Ngayon lang ako naging ganito at sa babae pa paano pa kaya kung nakita pa ito nila Angelo pustahan pagtatawanan nila ako.

Agad ako sumakay at nag-seat belt. Inandar nya ang sasakyan ako naman prenteng nakaupo at palay sulyap sa kanya ngayon sya ang nag-da-drive habang nag-da-drive nya yung kaliwang siko nya nakapatong sa may bintana hindi nakasarado yung bintana nya at nakahalubaba ito tapos yung kanan kamay nya hawak yung manebela. She look... cool?.

"S-Saan tayo pupunta?" Tanong ko nakita ko naman nya ngumisi bigla naman ako kinabahan.

"Just wait and see" tapos tumingin sa akin saglit tapos itinoun ulit ang sarili nya uli sa daan "Don't worry. Dito sa pupuntahan natin sisigaraduhin ko pag uwi natin... mawawala na yan" seryoso nyang sambit kaya napatitig ako sa kanya. Ang ganda nya, yung buhok nya hinahangin tapos seryoso pa ito sa pagmamaneho parang... nag-so-slow motion ang paligid tapos sya din.

'Wait! hindi ba parang baliktad dapat parang ako yung babae dito sa storyang ito tapos... What the F!'

Bigla naman ako napahawak sa kalamnan ko parang itong gumagalaw! Hala baka may bulate! p*t*ngina! At ang init ata ng mukha ko sh*t!.

Tumingin na lang ako bintana para hindi nya makita yung mukha ko parang kamatis!. Buong byahe namin parang akong nagpipigil ng hininga dahil sa sobrang tahimik at ANG BILIS NYANG MAGPATAKBO! Kumakapit na lang ako ng lihim dito sa inuupuan ko.

*Yawn* Napa-aga ata gising ko.

"Sleep" napalingon ako bigla sa kanila nagulat ako akala ko hindi na sya magsasalita "Matulog ka muna malayo pa naman yung pupuntahan na tin" sabi nya ng nakatuon pa rin sa daan.

Tumango na lang ako at tumingin uli sa bintana habang nakatingin sa labas untung unti bumibigat ang mga talukap ko hanggang sa nilamon na ako ng dilim.

.
.
.
.
.
.
.
.
.

"Hey, wake up" unti unti kong idinilat ang mga mata ko at bumungad kaagad sa akin ang mukha nya kaya napaupo ako ng maayos at nagpahid pahid ng bibig malay mo may tulo laway ako nakakahiya.

"Andito na tayo..." sabi nya tapos nga pala wala sya sa driver seat nandito na sya sa may pintuan ko umatras sya para makalabas ako nung nakalabas na ako parang ako binuhusan ng malamig na tubig, hindi ako makakilos sa kinatatayuan ko habang nakatitig kung saan ako dinala ni Christ.

'Paano ito makakatulong sa pagmove-on ko?'

"Ano pang tinatayo mo pa dyan halika na... At mukhang maraming tao" sabi nya kaya napatingin ako sa kanya ng hindipa rin nagbabago ang reaksyon ko nakasuon lang naman sya ng itim na face mask tapos suot yung glasses nya nubg nerd nerd pa sya.

"Tsk ang bagal mo halika na" inip na sabi nya tapos lumapit sya at maslalo kong kinagulat ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila ako ang bilis ng tibok ng puso ko hindi ko alam kung sa takot ba ito o sa pagkakahawak nya pero....

'AYAW KONG MAG ENCHANTED KINGDOM!!'

To be continued~!

Thank you pa rin sa mga nagsubaybay ng storyang kong ito please po paki vote po... sorry po at masyado ako natagalan.

Sa totoo lang po nagtatampo lang po ako hehehehe syempre merong nagbabasa pero hindi po nag-vo-vote alam kong may ibang na ko-kornihan sa storya ko sorry po pero paki vote pa rin po...

Pero nagpapasalamat pa rin po ako sa inyo lahat okay lang naman sa akin ayan nag e-emote na ako hahahaha.

Basta lab ko pa rin kayo at maraming maraming salamat mahal ko kayo hahahaha. Ano kaya ang gagawin nila ako kayang ang bagay?

Pero mag-isip nga kayo guys ng mga pinag samang pangalan just comment.

NIC+CHRIST or JACOB

ACE+CHRIST or JACOB

Wag kayo magpapahuli dahil may ibang pa atang mga bagong character na darating sa storyang ito hahahahaha.

FOLLOW
COMMENT

AND

VOTE

IKALAT NYO NA ANG BEHIND THOSE GLASSES!!!
(* V *)—d



BEHIND THOSE GLASSESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon