ACE'S POV
Nandito ako ngayon sa harap ng salamin at seryoso sa pag-ayos ng buhok ko. Maaga ako nagising dahil sa hindi nga ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa nararamdamang kong pagsabik sa lakad namin ni Christ ngayon ko na lang ito naramdamang mula nung kasama ko pa si Yashi.
Umiling ako. Bakit ko ba iniisip yung babaeng yun ngayon araw na ito kailangan ko na sya kalimutan lahat ng kasalanan nya sa akin. Sabi nga nila Past is past.
Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin nag-post post pa ako ang masasabi ko lang sa sarili ko ay... Napaka gwapo ko!.
"Master!!!!" Tss! Napahwak kaagad ako sa dibdib ko dahil sa gulat bigla ba naman pumasok si Yaya Lora tapos makasigaw rinig ata ng buong mundo. Merong bang ganoon?.
Yaya Lora. Matagal na sya nagtatrabaho sa amin mula baby ako sa idad na 27 namasukan sya dito at sya ang nag-alaga sa akin mula bata pa ako palagi nya ako pinapalo dahil makulit nga ako alam naman yun ni Mama, Okay nga sa kanya eh dahil MAKULIT NGA AKO! So si Yaya Lora mabait din yan maalaga kahit nga ngayon eh alagang alaga nya ako kasama na rin yung kambal yun din ang inaalaga nya, Itinuring ko na syang pangalawa kong ina kaya lab ko na rin ito.
"Ya, Makasigaw naman tapos hindi ka pa kumakatok paano pag nakahubad ako!"suway ko sa kanya. Lumapit ito at pinalo ako sa pwet! palagi nya na lang ito ginagawa sa akin minsan nga may dala syang pamalo daig nya pa si Mama ang lakas pumalo!.
"Aba't sumasagot ka! At nakita ko na yang buong katawan mo simula bata ka pa! Saulo ko lahat ng yan! May nunal ka nga dyan sa s—" Agad kong tinakpan yung bibig ni Yaya ito talaga si Yaya hindi na nahiya pati ba naman yun isisigaw nya pa! Paano pagnarinig ng mga katulong tss mga malalakas din tama yung mga yun sa akin hindi lang nila ako magalaw dahil Amo nila ako at yun nga ang mabuti, baka hindi na ako virgin pag nagkataon, just kidding.
"Yaya naman baka may makaranig sa inyo at malaki na ako kaya nakakahiya na po! Ito talaga si Yaya" nakanguso kong sabi.
"At oo nga pala! Himalang maaga ka nagising ngayon hindi mo na ako papahirapang paakyat baba ako para gisingin lang kita! Anong meron at ang porma ng dating mo ngayon ha bata ka wag mo sabihing maghahanap ka ng ch—" tinakpan ko uli yung bibig ni Yaya bakit ba napaka dirosyuhing magsalita si Yaya paano kaya lag may bisita kami hay!.
"Hindi Ya! an-ano kasi.... M-May date... ako mamaya" nahihiya kong sabi sa kanya sya naman ay nakatingin lang sa akin at nakasingkit pa ang mata nito.
"At sino namang yang kawawang babaeng yan? Naku, kung bakasakaling pumunta sya dito may tyansa akong balaan sya" Nakangising asar ni Yaya mora sa akin.
"Ya naman! friendly date lang naman po yun at mamaya yayain ko nga syang magdinner dito dahil yun ang gusto nya" at humarap uli sa harapan para ayusin yung pantalon ko.
"Hmm... pwede ko bang malaman ang pangalan nya? Para pagpunta nyo dito masabihan ko na ang mga katulong na tin"
"Christ po ang pangalan nya" nakangiting sabi ni Ace habang nakatingin pa rin sa salamin.
"Christ? Hmm parang may narinig akong pangalang ganoon..." Nag-iisip na sabi ni Yaya Lora.
"Basta Ya, makikita mo sya mamaya. Sjge mauna na po ako baka malate pa po ako at hindi na rin ako kakain! " Tumakbo na ako palabas ng kwarto ko at iniwan duon si Yaya pagbaba ko nakita ko si Mama at Papa sa sala at nagkakape sila.
"Oh aga ng baby ko ah! at napakagwapo mo naman ngayon" nakangiting puri ni Mama sa akin lumapit ito sa akin at inamoy pa ako "Ang bango naman ng baby ko" dadag nya pa kaya napangiti ako.
BINABASA MO ANG
BEHIND THOSE GLASSES
RandomEverybody said nerds are meant to be bully, nerds are fool, nerds are bookworms, and nerds are ugly.. Madaming jugdemental na mga tao hindi nila iniisip kung totoo ba ang naririnig nila. Ginagawa nilang mga alipin ang mga nerds madalas inaapi nila...