Tell Me If its LoVe

1.4K 26 7
                                    

Shawn Lei Pov

"SHAWN LEI!!"bigla akong nagulat sa pagsigaw ni auntie sa pangalan ko.....kinabahan ako bigla kase... mukang galit siya...Teka hindi na ba ako nasanay kay auntie lagi naman siyang ganiyan...lagi naman lahat ng mali ko napapansin niya isama mo na rin yung maganda niyang anak...daw....shhh wag niyo ako isusumbong...

dali dali naman akong pumunta kay auntie dun sa cashier napalingon naman ako sa mga tao daming tao...

"auntie anong meron?"clueless kong tanung...

"Ano tong nalaman ko na nakabasag ka daw ng pinggan? alam mo bang mas mahal sa iyo yung pinggan na yun huh?"biglang bato ni auntie sa akin

"hindi ko naman po sinasadya yun kase p----hindi pa ako nakakatapos na mag salita eh bigla niya na akong piningot sa kaliwa kong tenga

"ara-aray!"daing ko habang pinipilipit niya yung tenga ko...

hindi ko na inintindi yung mga taong nakakapanuod sa scandal na ito...iniintindi ko na lang yung niluluto ko baka masunog...wag kayong mag alala sanay na ako sa ganap na ito tuwing andito naman kase ako gumagawa ng paraan yung isang maldita dito...

sabay tingin ko kay Hailey na tumatawa Habang pinipingot ako napatingil naman siya sa pag tawa after that nilakihan niya ako ng mata tapos inirapan niya ako...

bigla bigla namang binitawan ni Auntie yung kaliwa kong tenga na kanina pa namumula...

hinimas himas ko naman ito ng dahan dahan...

"Hindi ka na nahiya ikaw na nga lang tung pinag tatrabaho ko na may bayad kahit wala ka namang ginagawa may gana ka pang manira ng gamit!! eh kung ganiyan ka lang naman eh lumayas ka na dito dahil hindi kita kailangan!" Bulyaw sa akin ni auntie...

napakagat labi na lang ako...ano ba naman parang hindi ako nasanay eh palaging ganito eksena kapag nandito ako eh...

Yumuko naman ako sa kaniya

"Sorry na po Auntie hindi na po mauulit" Sabi ko kay auntie habang nakayuko pa rin...

"Ay dapat lang baka palayasin kita dito sa Restaurant ko...Wala kang pag kakitaan ng pera para sa mama mo na ewan kung mabubuhay pa!"Sabi sa akin ni auntie...

tinaas ko yung noo ko...tapos ngumiti ako ng tipid sa kaniya

"Mabubuhay po ang mama ko.... Gagawin ko po yung lahat para sa kaniya" sabi ko kay auntie

tumawa lang si auntie ng mahina na parang nang aasar...

"babalik na po ako sa kusina baka masunog po yung niluluto ko"paalam ko kay auntie...

"ano pa hinihintay mo pasko? pumunta ka na dun!! bilisan mo!!"sigaw niya sa akin habang nanggagalaiti yung mata niya...

bigla bigla naman na akong tumakbo papuntang kusina....at inasikaso yu g niluluto ko...

"napagtripan ka na naman ng mag ina...ako na humihingi ng despensiya sayo shawn"biglang salita ni uncle

kaya napalingon ako sa tagiliran ko bandang kaliwa... andito pala siya nag luluto din...

habang hinahalo ko yung niluluto ko....ngumiti ako ng tipid habang nakatingin pa rin dito sa niluluto ko

"alam mo uncle ayos lang...kaya ko namang tanggapin lahat ng galit nila sa akin eh...kaya ko yun uncle....para sa mama ko kaya ko yun"mahina kong sabi kay uncle..

narinig ko naman na huminto yung kutsilyo niya sa pag hihiwa kaya napalingon ako sa kaniya

"kung pwede lang kitang ampunin inampon na kita pero si Auntie mo eh kontrabida...di sana kung inampon kita nakakapag aral ka pa rin ngayon...17 ka palang pero tagtag na ang katawan mo sa kakatrabaho"sabi niya sa akin...

ngumiti ako kay Uncle tapos pinatay ko yung kalan sa kadahilanang luto na ang niluluto ko...

tumingin ako kay uncle...

"Uncle diba sabi ko kaya ko? kaya ko po yan wag kayong mag alala kakayanin ko ito...tinutulungan niyo naman po ako kapag kailangan ko ng pera kapag walang wala na talaga ako kahit minsan patago mo yun ibigay...kaya nga po sobrang pasasalamat ko sa inyo kundi dahil sa inyo wla na ako dito sa restaurant"biro ko kay Uncle

tinap naman niya ako sa balikat...

"andito lang ako huh"paalala niya sa akin...

tumango tango naman ako...

tapos umalis na ako at ginayak ko yung pag kain...makalipas ang oras...oras na para umalis ako dito sa napakanice na restaurant...

tinanggal ko naman na yung apron ko

tapos pumunta kay auntie sa cashier...

"auntie alis na po ako"paalam ko sa kaniya...

"mag gagala ka na naman no?"tanung sa akin ni hailey na bigla bigla na lang sumusulpot na parang kabute..

tinignan ko lang siya ng panandalian tapos balik ko yung tingin ko kay auntie...

"ano hinihintay mo makakaalis ka na..."sabi sa akin ni auntie..

"salamat po auntie"paalam ko

nakita ko namang sumilip si uncle kaya kumaway ako sa kaniya...pero hindi naman ganun kasigla sa pag kaway ng katulad ng mga iba...mababa lang yung kamay ko parang patago yung pag kaway ko...baka kase makita yun nila auntie eh..

so yun nga isa ito sa trabaho ko

hope you like it guys comment naman po oh...bukas po kasunod mamats po
...bale imtruduction palang po yan...

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon