Chapter 52: Akin lang iyon

214 14 2
                                    

--------------------------
Oh my Gosh!!! yung first kiss ko!

yung first kiss ko!! yung first kiss ko!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Muntikan ng makuha...

alam niyo yung nakakatawa?

buti na lang dahil matangos ang ilong ni taru dahilan para maging sagabal para magdikit ang labi naming dalawa.

pero yung labi niya at ang labi ko sobrang lapit!!

dug.dug.dug dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.dug.

putspa yung puso ko nag wawala na sa kaba

halos hindi ko magawang huminga ng maayos

halos alam niyo yun isang unting galaw lang namin matutuluyan ng magdidikit ang aming labi.

nararamdaman ko na rin ang abnormal niyang paghinga.

pero wala talaga akong marinig sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

bigla bigla na lang siyang napabitaw sa wrist ko at umiba ng tingin pagkatapos nun napahawak siya sa batok niya

ako rin napaayos ako ng upo at inayos ko yung buhok ko pati na yung damit ko na tumataas na pala kaya binababa ko ito.

tapos naramdaman ko na ang init init..

bakit ganun? aircon naman dito bakit iniinit ako?

kaya wala akong magawa kundi ipamaypay ang kamay ko sa sarili ko at nagpunas punas ako ng pawis.

"huuuuuu"mahina kong paghinga para hindi niya marinig..

kinabahan talaga ako dun, akala ko mahahalikan ko na talaga siya, pero meron sa parte ko na sana natuloy na lang..

nanghihinayang tuloy ako...

teka?

anong sabi mo shawn? sana natuloy na lang? sira ka ba? may shota yung tao makikipaghalikan ka sa kaniya?

gusto mo bang maging kabit? ewan ko sayo shawn! magtino ka nga!

sa inis ko sinampal ko yung sarili ko, napalakas naman ito kaya napadaing ako

"aray."

dahilan para lumingon sa akin si taru na halos tagaktak ang pawis

pinagpapawisan din siya? siguro sira yung aircon dito kaya ang init init

nung nagtama ang aming mga mata, iwas agad kami sa isat isa.

"ha-ha-ha ang init no? sira ata yung aircon" napipilitan kong tawa habang sinusulyapan sulyapan lamang siya.

"G-Ganun? sira? siguro nga" medyo kabado niyang sabi sa akin na halos hindi niya maitingin ng matagal ang kaniyang mata sa akin

ikaw ba naman na muntikan na kayong magkahalikan hindi pa kayo mailang sa isat isa tsk!

tinataas taas ko naman yung damit ko sa bandang dibdib ko

piling ko kase nakikitaan na ako.

kahit walang makikita piling ko lang naman.

napansin iyon ni taru kaya inalis niya yung leather jacket niya at ipinatong ito sa akin habang sa ibang direksiyon pa rin siya nakatingin.

hindi ko namalayan napangiti na pala ako sa ginawa niya.

napaka gentleman niya naman.

teka? erase! erase!!

may shota na yan sira ka shawn!

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon