Chapter 88: A week later

186 11 1
                                    

Sami Pov

Ng makalapit si taru kay shawn hindi ko siya hinarang kundi umiwas ako para makita niya si shawn na nahihirapan na huminga.

bakit hindi ako natutuwa? bakit sumisikip ang dibdib ko na nakikita ko si taru na nasasaktan?

napahawak ako sa pisngi ko sa kadahilanang may tumulong luha sa pisngi ko.

bakit ako nasasaktan ngayung nakikita kitang nagdudusa sa harap ko? hindi ko akalaing iiyak si taru para sa babaeng ito, na ngayun wala ng malay, bago pa siya mawalan ng malay ngumiti pa siya na para bang naintindihan niya na ang lahat. ang ngiting iyon ay para bang huling araw niya na sa mundo, na tanggap niya na na mawawala na siya.

diba dapat maging masaya ako? ito ang gusto kong makita, ito ang gusto kong mangyari, pero ako yung nadudurog sa nakikita ko, ang makita na magdusa si taru sa harap ko ay napakasakit na pangyayari.

ang tanung bakit hindi ako masaya?

bakit hindi ako naging masaya simula ng makuha ko lahat ng gusto ko, palagi kong nararamdaman na may kulang, palagi akong may hinahanap, masaya pero mararamdaman mo na walang laman ang puso mo.

Emptiness

tanging yun lang ang meron ako.

kailangan bang may mawala para lang marealize ko na hindi ito ang gusto ko? kailangan bang may magparealize sa akin na hindi ako sasaya kahit maganap ang gusto kong mangyari?

ano bang dapat kong gawin? kailangan ko na rin bang mawala sa mundo?

dahan dahan kong kinuha ang kutsilyo na tinatago ko sa likod ko.

tinitigan ko ang kutsilyo na hawak ko.

ito yung kutsilyong itatarak ko sa puso ng taong mahal ko, binigay ko ang lahat pero sinaktan lang ako

tumingin ako kay taru na pilit pinagsusuntok ang glass na namamagitan sa kanila ni shawn.

ngayung nasa harap ko na siya magagawa ko pa ba?

dahan dahan akong lumapit kay taru habang tinututok sa kaniya ang kutsilyo.

huwag ka ng umiyak taru, dahil magsasama na kayong dalawa

ng akmang sasaksakin ko na si taru biglang may humila sa akin at hinagis ako sa sahig dahilan para mapaupo ako sa sahig, mapalayo ako kay taru at mabitawan ang kutsilyong hawak ko,

hindi ako nag react sa ginawa sa akin ni ivan, but instead natuwa ako sa ginawa niya, pinigilan niya akong pumatay ng tao, pinigilan niya akong maging ganap na mamamatay tao, sa wakas makakalaya na ako sa katauhan ko.

pero hindi ako pinansin ni ivan, tinulak niya ako para basagin ang glass na nasa harap namin ngayon, dahil malapad ang bakal na hawak niya ilang palo lang niya dun sa glass na yun nabitak iyon at tuluyan ng nabasag. sumaboy sa amin ang tubig na laman ng aquarium na yun.

bumagsak sa harap ni taru si shawn kaya sinapo niya ito, nang dahil walang lakas ang binti ni taru nabuwal sila.

napatingin ako kay ivan na halos magsisi sa ginawa niya.

huli na ang lahat ivan, kahit pa umiyak ka hindi na gigising pa ang babaeng yan.

kung inagahan mo lang ang pagligtas kay shawn baka sakaling mailigtas mo nga siya pero sa tingin ko wala na siya.

nakita kong pilit ginigising ni taru si shawn pero walang response na ginagawa si shawn.

nahagip ng mata ko ang kutsilyong hawak ko kanina, ginapang ko ito, kinuha at tinitigan.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon