Chapter 78: Secret😉

163 11 1
                                    

----------

nabaling ulit ang tingin ko sa batang gulat na gulat din sa sinabi ni laine, tung laine na talagang to.

sasabihin ko sanang joke lang ni laine yun kaso nagsalita na yung bata.

"Kanino siya mag papakasal ate laine? it is kuya teru or taru?" curious na curious na tanung nung bata dahilan para mapapalo ako sa noo ko, nahalata ko namang sinulyapan ako nung bata kaya agad agad ko siyang nginitian pero iniwas niya lang ang kaniyang paningin sa akin at tumingin sa mga kuya niya?

kapatid ba nila taru to? masyado naman atang bata?

si dok teru 26 na ata siya si taru naman 18 na eh tung bata to mukang 7 or 8 years old pa lang eh.

baka naman kuya kuyahan niya lang? tignan mo si laine nga ate ang tawag eh, pero mukang kapatid talaga to ni taru, pano ba naman kase hawig ni taru pero medyo malayo kay dok teru?

ano ba dapat?

napakamot na lang ako ng ulo at napatingin narin sa dalawang lalaking to.

"Kuya Teru, Kuya Taru, Sino sainyong dalawa ang papakasalan niya?" nabingi ako bigla sa tanung nung bata

kasal agad? diba pwedeng boyfriend muna? masyado pa ata akong bata para kasal na ang isipin. NOOO!

napatingin ako kay taru ng bahagya niyang nilingon ang kapatid "niya"? ,nginitian niya ito at ginulo ang buhok

"ako/ako" nanlaki nag mata ko ng sabay silang sumagot ng "ako" hala? ano na naman ginagawa nilang dalawa? sinasabayan ang trip nung bata? di dapat ganun! tinatama dapat nila yung bata.

napakunot ang noo nung bata pati mismo si taru kumunot ang noo at tinignan ng masama ang kuya teru niya, samantalang si kuya teru tumatawa tawa lang.

hotseats! bwiset!

dahan dahan akong napalingon sa bata.

"Gold digger" hala...

tinignan ako nung bata ng masama at bumulong siya ng gold digger, halos mabingi ako sa sinabi niya na halatang nadinig iyon ng tatlo kaya napatahimik sila.

woah? walang aangal? para palang si taru to eh? maattitude hahaha

pagkatapos inirapan niya ako.

halakayo ang taray!

natahimik kami dun sa ginawa nung bata, wala talagang susuway sa bata?

biglang tumunog yung cellphone ko kaya napadukot ako sa bulsa ko at tinignan ko kung sino iyon si taru lang naman. nung napasulyap ako sa kaniya, nilingon niya rin ako at nginitian ng bahagya. nag sosorry ba siya sa akin sa inasal nung bata?

ngumiti na lang din ako ng bahagya kay taru at binaling ang paningin ko sa cellphone ko

-Taru-
Sorry hindi namin masuway spoiled brat kase ang batang yan, kapag pinagalitan yan magsusumbong lang yan kay mommy at papagalitan lang kami.

sus kinukunsinte ang bata. bahala sila kapag lumaking bully ang batang yan.

-me-
ok lang naiintindihan ko, kung ikaw nga sinasabihan mo ako ng gold digger nasaktan ba ako?

nabigla naman si taru sa nabasa niya kaya napatingin siya sa akin, nag peace sign lang ako sa kaniya, sinamaan niya lang ako ng tingin at iniwas ito.

-Taru-
tss, di naman ako seryoso sa bagay na yun, kung nasaktan ka man edi sorry

-me-
hala kulit mo, hindi nga ayos lang ako, hindi ko naman dinidibdib mga bagay na yun

hindi naman na gumalaw si taru nung nabasa niya yung text ko bagkus pabalibag niyang binalik ang phone niya sa harap nung kotse, galit ba?

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon