Shawn Pov
Nandito kami ngayun ni laine sa rooptop hindi ko alam kung anong ginagawa niya dito sa hospital pero mukang hindi siya okay kaya sinuway ko na lang ang batas ko sa sarili ko
sabi ko nga diba naka banned sila sa akin.
pero matagal ko ng kaibigan si laine hindi ko naman siya matiis kung ganiyan ang itsura niya mukang pinagdamutan ng mundo.
"anong problema?" mahinahon kong tanung kay laine pero ngumiti lang siya ng tipid sa himpapawid habang nakasandal kami sa pader.
napabuntong hininga naman ako sa kinikilos niya ngayun. Kapag ganiyan yan heartbroken na naman yan.
kaya ginawa ko imbes na tanungin siya ng maraming tanung sinamahan ko nalang siyang pag masdan ang himpapawid.
matapos ang ilang minutong pag tatahimik niya bigla siyang nag salita.
"Gusto mo pa rin ba si taru?" malungkot niyang tanung sa akin.
napatingin tuloy ako ng may kunot sa noo.
akala ko siya may problema bakit yung feelings ko ang pag uusapan ngayon?
"kung sasabihin mo lang naman na ihinto ko na huwag kang mag alala sinusubukan ko" seryoso kong sabi kay laine habang pinagdidiinan ang salitang sinusubukan ko.
natawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko napansin niya siguro na naiinis ako sa tanung niya pero hindi man lang siya lumilingon sa akin nakatingin pa rin siya sa kawalan na para bang ang lalim ng iniisip niya o buhay pag ibig lang talaga yan?
"Alam mo ba" nung nagsimula na siyang mag salita napa ayos ako ng upo ewan ko ba mukang seryoso kase ang sasabihin niya.
"Kaya hindi tumatagal ang mga feelings ko sa mga lalaki... Kase may isang lalaki na bumihag ng puso ko na matagal ng panahon" panimula ni laine.
teka? hindi yun ang alam ko? ang alam ko ganun talaga siyang tao yung madaling maattach tapos madaling mafall out love hindi pala yun totoo? naguilty naman ako na hindi ko alam yung part na yun sa buhay niya.
"Pinilit ko namang mag mahal ng iba, halata naman diba? ang dami kong naging karelasyon pero hindi ko pa rin magawang turuan ang puso ko. Bakit ganun? ginawa ko naman ang lahat ng makakaya ko para kalimutan siya hindi ko magawa. tapos pagkatapos ng tatlong taon ng pagpipigil ko ng nararamdaman sa kaniya nagawa ko ngayun na ipakita na gusto ko siya, nagawa ko na iparamdam sa kaniya na mahal ko siya. pero ang sakit lang kase hindi niya alam na tatlong taon kong tinatago ang nararamdaman ko sa kaniya pero bandang huli malalaman ko na lang na may mahal siyang iba. Kung sinabi ko ba ng maaga yung feelings ko? kung hindi ko ba pinigilan yung nararamdaman ko sa kaniya at hinayaang maramdaman niya ito hindi ba mahuhuli ang lahat? Iba kaya ang isasagot niya sa confession ko? sasabihin niya rin ba na gusto niya ako?" bigla namang tumulo ang mga luha niya na agad agad niyang pinunasan ang luha niya na pumapatak pero kahit anong punas niya patuloy pa rin yung pag bagsak ng mga luha niya
habang eto ako nasasaktan sa nakikita ko.
"Nakakainis na luha bakit hindi ka tumitigil sasabihin ni shawn na ang Oa ko pag ibig lang yan eh ha-ha-ha" biro niya sa sarili niya habang ng kukunyaring tumatawa
ako nga may paemote emote pa dito sa rooptop patingala tingala pa. Dati kase yun, ngayun naiintindihan kung na kung gaano kasakit ang masaktan hindi ko na makita kung saan ang Oa diyan
niyakap ko naman siya ng marahan at tinap ang kaniyang likod.
"okay lang sige iiyak mo yan" mahinahon kong sabi kay laine.
hindi niya na napigilan at humagulgol na siya.
para bang may mga kung ano sa puso ko na para bang tinutusok ito ng pino. Nasasaktan ako para kay laine tatlong taon niyang ginusto yung lalaki pero hindi siya gusto nito.
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Teen FictionIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...