Chapter 87: Galit

177 11 0
                                    

Shawn Pov

napamulat ako ng mata dahil sa ingay na narinig ko at iyak na halos hindi tumitigil

halos ang sakit ng ulo ko kaya hindi ko masyadong maiangat ang paningin ko. nanatili lang akong nakahiga habang pinapakiramdaman ko ang ulo ko na kumikirot pa rin hanggang ngayun.

nasaan ako?

nang ilibot ko ang paningin ko panay babasagin lang ang nakikita ko. para bang nasa loob ako ng aquarium.

bakit ako nandito?

basta ang naaalala ko na lang biglang lumapit sa akin si sean at hinila niya ako patayo.

tinitigan niya ang suot ko habang nakakunot noo siya tinanung niya sa akin kung sino nagbigay ng dress na suot sinabi ko namang si ivan.

nag tataka talaga ako kung bakit sobrang curious siya sa dress kaya tinanung ko siya kung bakit, sinabi niya lang sa akin na nakita niya na daw ang dress ko kung saan.

sabi ko naman lahat naman ng damit may kapareho bakit kailangan niyang mag alala...

uupo na sana ako nun ng hawakan niya ang wrist ko at sinabing suot ni sami ang dress na ito nung unang pagkikita nila ni taru,

ng biglang may pumokpok sa ulo niya dahilan para mag collapse siya sa harap ko.

nanlalaki ang mata ko sa nakita ko, nakita ko sa harap ko si ivan nakakatakot siyang tignan kaya halos hindi ako makapagsalita.

nang makagalaw ako binalak kong tumakbo papasok sa loob kaso nahawakan niya ako sa ulo ko at inuntog sa pader dahilan mawalan ako ng malay.

napahawak ako sa ulo ko, tinignan ko kung dumudugo ba ito pero salamat hindi siya dumudugo.

buti na lang.

dahan dahan akong umupo sa kinahihigaan ko at nilibot ang paningin ko.

nasaan na kaya si sean? saan kaya nila dinala si sean? napakalakas ng hampas sa kaniya ni ivan, nakita ko pa ngang dumugo ang ulo niya nung nagcollapse siya, hindi ko talaga akalaing magagawa ni ivan yun, akala ko pa naman mabait siya.

nagkamali ako.

ng lumingon ako sa harap ko nakita ko ang isang babaeng nakaitim at naka ponytail ng isa ng sobrang taas na nakatalikod sa akin kaya sinilip ko kung sino ang mga kausap niya.

nanlaki ang mata ko ng nakita kong nakakapit sa sahig si taru habang nakaluhod at yung isa niyang kamay ay hawak niya sa tiyan niya.

nagawi ang mata ko sa taong gumawa nun sa kaniya, at ang parehong tao ang may gawa nun, si ivan, bakit niya ginagawa ito?

napalingon ako kay laine na hindi mapigilang umiyak ng umiyak, halos hindi siya makapaniwala sa nakikita niya kaya umiiling iling siya.

naiintindihan ko si laine tinuring niyang pamilya ang ang gang niya, mas pamilya pa kesa sa tunay niyang pamilya, kaya ang makita niyang nagkakasakitan ang kapwa niya kasamahan, dudurugin talaga siya neto.

lalo na malapit sa kaniya ang taong to.

hindi ko na rin napigilang mapaluha sa nakikita ko, bakit kailangan ako ang dahilan ng lahat para magkasakitan sila? bakit kailangan ako ang dahilang para laging masaktan si taru? simula ng pumasok ako sa buhay nila nagkagulo na ang lahat.

tama ba na maging parte ako ng buhay nila? pwede ba talagang magsama kami ni taru?

hindi na ako nagsalita pa, hindi ko na kinayang magsalita pa.

"Hey sami look! gising na ang prinsesa" nang aasar na sigaw ni jen kaya, kaya agad agad silang napatingin sa akin.

nagtama ang mga mata namin ni taru, ang mga mata niya na puno ng pag aalala para sa akin.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon