Shawn Pov
natapos ang dinner na panay kwentuhan lang ng about sa business nila, kaya hindi na lang ako nakinig pagkatapos nun hindi na kami pinayagan lumabas kaya pinapanik na kami agad sa mga kwarto namin, bago pa kami matulog nagkwentuhan muna kaming tatlo at ngayun ko lang nalaman na totoo talagang kapatid ni taru itong si teri, at ngayun ko lang naalala na nasabi na pala sa akin ni dok na magkapatid lang sila sa ama ni taru kaya nga ayaw sa kaniya ni taru palibhasa kase anak sila sa pangalawang babae at ang tunay na asawa ay ang nanay ni dok teru, 7 years old na si teri nasundan si taru nung 11 years old siya hindi nga rin nila akalaing masusundan pa si taru nakakatuwa nga eh habang kinukwento ni teri si kuya taru niya, may pagka childish din pala si taru, palagi silang nag aaway ni teri, sagutan dito sagutan duon daw sila kaya nga lang laging kinakampihan si teri , alam niyo naman bunso kase eh.
alas onse na pero hanggang ngayun hindi pa rin ako nakakatulog, hindi ko alam pero itong dalawang ito tulog na, sarap pa nga ng yakapan nilang dalawa
nang biglang napawi ang atensiyon ko sa kanilang dalawa ng tumunog ang cellphone ko.
kinuha ko ito at umupo sa isang sulok, napangiti ako ng pagbukas ng cellphone ko pangalan ni taru ang bumungad.
-Taru-
Shawn gising ka pa?hindi ko mapigilang ngumiti sa tanung niya, ibig sabihin iniisip niya ako, ngayung oras na ng tulog pero iniisip niya pa rin ako, si taru naman wag mo akong papakiligin, sige ka baka hindi na ako makatulog.
nakangiti naman akong nag reply sa kaniya. napapakagat na nga lang ako ng labi ko para hindi lumaki ang ngiti ko
-Me-
Hindi pa. bakit gising ka pa rin?pagkatapos kong isend iyon sinilip ko pa yung dalawa, kung mahimbing pa rin ang tulog nila. Sa totoo lang ngayon lang ako nag load sa buong buhay ko, nahihiya kase ako kay taru pag tinext niya ako tapos hindi ko na naman siya mareplyan.
-Taru-
Iniisip kase kita, Iniisip mo rin ba ako kaya hindi ka makatulog?hala! kainis na taru ito banat ba yan o nagsasabi lang talaga siya ng totoo? oh well kahit straightforward niya sinasabi ang isang bagay kinikilig pa rin ako, piling ko kase bumabanat siya, ayan na naman tuloy ang malapad kong ngiti kumakawala sa kagat ko.
napasulyap ako sa dalawa ng marinig kong gumalaw sila, agad agad kong hinihaan yung brightness ng cellphone ko at isinilent mode ito, at nagtago sa isang sulok.
ayoko kaseng abalahin ang pagtulog nila baka usosyohin nila ako kung sino katext ko eh. nagreply naman ako kay taru na may ngiti sa labi.
-Me-
Hindi ah! baka namamahay lang ako. kaya hindi ako makatulognagpipigil ako ng tawa nung sinend ko iyon, ang galing ko talagang magpalusot hihihi.
-Taru-
Gusto kitang makita.nagulantang ako sa nabasa kong text niya, hindi bat nagkita na kami? bakit gusto niya ulit akong makita? naku taru huh! dahil sa sinasabi mo gusto na rin kitang makita.
hindi pa ako nakakapagreply dahil sa gulat at kilig na nararamdaman ko nag text na naman siya.
-Taru-
Miss na kita, andito ako ngayun sa harap ng pintuan niyo pwede ka bang sumilip saglit?hala? totoo ba? bigla na lang tuloy bumilis ang tibok ng puso ko ng mabasa ko iyon.
-Me-
kanina ka pa diyan?nacurious lang ako kung kanina pa ba siya diyan o kararating niya.
-Taru-
hindi naman. tatlong oras pa lang naman ako dito.
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Fiksi RemajaIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...