Chapter 46: Hindi nga lang niya alam

204 14 3
                                    

Shawn Pov

Sa totoo lang ayokong pumasok baka kase makita ko si taru eh ayoko pa naman na nakikita siya. Ayoko talaga!

Kaso kasamaang palad nandito ako sa likod nila habang nag lalakad sila ni sami sa harap ko.

sobrang dikit naman nila sa isat isa parang tuko naman tung sami na ito. Hindi naman aagawin sa kaniya ang boyfriend niya, akala naman niya na may kukuha sa boyfriend niya.

Napa roll na lang ako ng mata ko.

"Shawn!!" napatigil ako sa paglalakad ng nakita ko si laine sa harap namin nina taru na kumakaway sa akin.

napahinto ako at ganun na rin sina taru at sami at nilingon ako nung dalawa

nanlaki naman ang mata ko...

ano ba problema ni laine? pahamak talaga ang babaeng ito.

nakita ko naman na hinigpitan ni sami ang hawak niya kay taru na dahilan para kumunot ang noo ko.

Sa tingin niya ba aagawin ko ang boyfriend niya sa kaniya. Kung pwede lang.

tsk.

tumakbo naman papalapit sa akin si laine at kumapit sa braso ko.

teka bakit hindi niya pinapansin yung dalawa? atsaka hindi ba sinabi na namin na iiwasan namin ang isat isa sa school? eh bakit feeling close siya ngayun?

hinila naman niya ako dahilan para mapunta ako sa harap nila taru.

"Ano ba laine? bitawan mo ako" utos ko kay laine habang pinipilit ko na bitawan niya ako.

umiling iling siya habang iba ang ngiti sa akin. Parang kahapon lang umiiyak siya ng sobra sobra tapos ngayun iba ang ngiti niya wag niyang sabihin na naka move on na agad siya? sasampalungin ko siya kapag nangyari yun.

umiling iling siya sa akin habang nakangiti ng sobra sa akin. Sa totoo lang ano ba nakain nito? kinakilabutan na ako huh

"ikaw huh! hindi mo man lang sinabi sa akin na nag kakamabutihan na kayo ni dok teru" pang aasar niyang sabi sa akin

nagulat naman ako sa sinabi niya? paano niya nalaman yun? atsaka bakit ang lakas lakas niyang isabi yun mamaya may makarinig.

dinanggil danggil naman niya ako gamit ang balikat niya. Nakangiwi lang ako sa ginagawa niya.

"So kailan?" tanung niya sa akin na hindi ko naman kung ano yung tinatanung niya

"Anong kailan?" tanung ko sa kaniya na may inis na sa pag mumuka.

"kailan mo siya sasagutin? ayyiiie!" kinikilig niyang tanung sa akin.

teka? nanliligaw ba si dok teru sa akin? hindi naman ah? Oa talaga ng babaeng ito.

"tsk" narinig ko namang nag react si taru sa bagay na yun pero hindi ko na lang siya nilingon sa inis ko pa

"Mamaya" yun ang sinabi ko kay laine na ikinagulat ni laine.

dahil napahinto si laine hindi din tuloy ako makalakad

"ano ba laine" reklamo ko kay laine.

tinignan niya lang ako ng diba-gusto-mo-si-taru-look

sinagot ko lang siya ng wala-akong-pakialam-sa-kaniya-look

"bakit hindi mo patagalin ang panliligaw sayo ni dok teru? huwag naman agad agad!" inis na sabi sa akin ni laine sabay hampas niya pa sa balikat ko

"ano? nililigawan ka ni teru?" inis na tanung ni taru sa akin.

napapikit nalang ako sa inis

at tinignan siya ng
ano-bang-pakialam-mo-look

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon