Chapter 35: Salamat at Sorry

205 15 0
                                    

Shawn Pov

pag mulat ko ng mata ko nakita ko ang kisame na kulay puti.

maya maya may sumakit sa bandang ulo ko at hinawakan ko iyon. Pagkahawak ko dun pakiramdam ko kung anong meron na bulak o gasa na nakalagay dun.

tapos nag flashback sa akin ang lahat ng nangyari nung gabing iyon.

pagkatapos kong maalala iyon napabuntong hininga nalamang ako.

pagbiling ko sa gilid biglang nanlaki ang mata ko nung nakita ko si taru na nakaupo sa harap ko, nakadikwatro at cross arm habang nakatingin sa akin ng sobrang seryoso.

tapos napansin ko na pati siya naka hospital gown.

oo tama bugbog sarado nga rin pala siya.

nung naalala ko yun

bigla nanlaki ang mata ko wait?

"kamusta laban niyo?" nacucurious kong tanung kay taru.

pero si taru nakatingin lang siya sa akin ng seryoso at hindi sumasagot sa tanung ko.

"gising ka ba?" sarcastic kong tanung sa kaniya.

pero ni hindi niya pinapansin ang tanung ko sa kaniya kaya binigyan ko lang siya bitter face

at dahan dahan kong inupo ang sarili ko na dahilan para magbago ang expression niya.

hindi ko lang sure yung expression niya muka ba siyang nag aalala sa akin o galit siya ba siya sa muka niyang yan?

"wag ka ngang gumalaw hindi pa masyadong magaling yang sugat mo. atsaka kagigising mo pa lang pagkatapos mong matulog ng isang taon" ng sinabi niya yun nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya

syempre gulat na gulat ako sa sinasabi niya

isang taon daw ba naman akong natutulog dito sa hospital aba sinong hindi magugulat don?

"isang taon? nacoma ba ako?" halos naiiyak kong tanung kay taru.

tumango tango ng marahan si taru.

halos malaglag ang panga ko sa sinabi ni taru. pero kung isang taon akong nakatulog bakit walang nag bago sa kaniya, bakit hanggang ngayun may mga sugat siya at may pasa siya? kaya narealize ko na pinagloloko lang ako ng taong to

"inaraw araw mo bang nakipag bugbugan?" inis na tanung ko sa kaniya.

maya maya natawa siya ng bahagya sa expression na binibigay ko sa kaniya

loko...akala niya nakakatuwa yun? hindi no

"joke lang dalawang araw  ka pa lang dito" nakangiti niyang sabi sa akin

napabuntong hininga ako ng nalaman ko na dalawang araw pa lamang ako dito akala ko kase matagal na akong nandito pero napatingin ako kay taru na nakangiti sa akin

bakit kaya to nakangiti sa akin? parang kinikilabutan ako ah.

halata namang napipilitan siyang ngumiti.

"wag ka ngang ngumiti" inis na reklamo ko sa kaniya

bigla naman niyang inalis ang ngiti niya sa muka at bumalik sa pagiging poker face.

tsk bipolar.

"Shawn"

dug.dug.dug.

halos magulat ako sa pagbanggit niya ng pangalan ko.

kaya napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

bigla bigla ba naman akong tawagin sa pangalan ko ni hindi nga niya ginagawa yun dati

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon