Chapter 59: Si sami o si shawn?

229 16 0
                                    

Taru Pov

("What's up taru? got any problem there?" )

halos napatahimik at napahinto kaming lahat sa narinig naming boses..dahan dahan kong tinignan yung cellphone ni laine kung ano nakalagay na pangalan dun sa cellphone niya para mismo makunpirma ko na hindi yun kay shawn kaso halos gumuho ang mundo ko ng mabasa ko ang pangalan ni shawn, ibig sabihin number ni shawn yun.

halos hindi ko na maipaliwanag ang galit na nararamdaman ko sa kaniya. Hindi ako nag kakamali na si marki ang kausap ko ngayun at nasa kaniya ang cellphone ni shawn.

magsasalita na sana ako ng, makarinig ako ng ingay.

("F*ck!") boses iyon ng babae na dumaing kaso hindi ako sigurado kung kay shawn ba yun? dahil hindi naman nagmumura ng ganun si shawn at malabong maging si shawn yun dahil ang layo naman ng boses niya dun.

kaya napapakunot na lang ako ng noo tinatanung ako ng mga kasamahan ko  kung ano ang nangyayari, sinesenyasan ko na lang sila na mamaya, maghintay na lang muna sila habang mayroong hindi maipintang muka.

at muling napatigil ang mundo ko dahil sa narinig ko.

("TARU! TULUNGAN MO AK---*PAK*") rinig na rinig ko ang malakas na paghampas sa isang tao at alam ko kung sino ang hinampas nayun si shawn. napakapit ako ng mahigpit sa cellphone nahawak ko at halos mapaluha na sa kinatatayuan ko

"shut up your mout b*tch!" sigaw nung isang babae

kaya bigla akong natauhan.

"Sh*t! Shaw----"
-------------*toot* toot*--------------

nung nagkalakas ako ng loob na makapagsalita dali dali ni marki binaba ang pinutol ang linya nila

"Sh*t!!" sa sobrang inis ko ibabato ko na sana ang cellphone ni laine ng bigla akong pigilan ni sean.

"Anong meron taru? may nangyari bang masama kay shawn?" nag aalalang tanung sa akin ni sean.

ayokong sabihin sa kaniya kase gusto ko ako lang ang magliligtas kay shawn pero kaibigan ko siya, ayokong ipagdamot ang taong mahal niya sa kaniya

huminga ako ng malalim dahilan para bitawan na ni sean ang kamay ko.

"Sabihin mo sa amin? may nangyari bang masama kay shawn?" nag aalalang tanung sa akin ni laine habang lumalapit siya sa harapan ko. halatang halata sa muka nila kung gaano sila nag aalala kay shawn.

pero hindi ko magawang maalis sa isipan ko ang narinig kong malakas napag hampas na iyon.

sinasaktan ba nila si shawn? hindi na tama ang ginagawa ni marki kailangan niya ng mag bayad.

napahigpit na lang ako ng hawak sa cellphone ni laine.

"Taru naman! nag aalala din kami dito! sabihin mo ano! ayos lang ba si shawn?!" nakikita mo talaga sa muka ni laine na para bang sasabog na siya, sobra talaga ang pag aalala niya sa kaibigan niya.

napabuntung hininga ako at napasuntok sa pader dahilan para ikagulat nila.

"taru?" seryosong banggit ni sean sa pangalan ko tinignan ko sila isa isa na may naluluhang mata, at napailing ako.

kasalanan ko ito, hindi ko nagawang protektahan ang babaeng yun.

"Hawak siya ni marki ngayun" seryosong sabi ko sa kanila, napatigil sila sa sinabi ko.

"A-ano?" hindi makapaniwalang tanung ni laine sa akin

"Teka?!! ano bang problema ng gag* na yun? bakit niya dinadamay si shawn?" inis na inis na sabi ni kenneth

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon