Chapter 43: Patas na tayo.

211 12 0
                                    

Shawn Pov
Dalawang linggo na ang nakakalipas simula ng buhusan ko ng tubig si taru. Ewan ko nga kung bakit ko nagawa iyon siguro sobrang inis ko lang talaga kay taru kaya nagawa ko yun. Na dahilan para mag sisi ako ngayun ni hindi nga ako makalabas ng library baka kase makasalubong ko sya diyan sa corridor baka masapak ako ng di oras tapos sa classroom namin paulit ulit akong pinariringgan ng mean 5 sarap talaga nilang isubsub sa kanal ng mag si amuhan na parang tuta yung mga yun. Kung hindi lang ako magaguidance ginawa ko na talaga yun. Sumama na lang kaya ako sa fraternity? para naman may tutulong sakin kapag pagtutulungan ako diba?

at sa ngayon andito ako sa library nag babasa lang ako ng libro wala kase kaming klase ngayun aba ayokong makasama ang mga tao dun sa classroom namin. wait? tao ba sila? ay oo tao sila asal ewan lang sila.

napabuntong hininga na lang ako.

habang nagbabasa ako na may seryosong pagmumuka dito sa library naramdaman kong may humila ng upuan sa tabi ko. Pero hindi ko na lang iyon nilingon ano bang pakialam ko sa taong yun? kilala ko ba siya?

ewan ko ba badtrip na badtrip ako ngayun pano naman kase kung ano anong sinulat ng mga kaklase ko sa desk ko na dahilan para makita ng adviser namin dahilan para mapagalitan ako.

naiinis talaga ako hindi ko naman ginawa ang bagay na yun bakit ako ang sinisisi tapos kahit anong paliwanag ko hindi ako pinapakinggan ng adviser namin.

"Ang cute mo kapag badtrip ka" natatawang sabi ng katabi ko

nung narinig ko yung nagsalita na yun napatigil na lang ako sa pag babasa ko

pero hindi ko siya nililingon alam ko kase kung kaganino  yung napaka sweet na boses na yun kapag maririnig mo siyang mag salita para bang dinadala ka niya sa ulap.

napabuntong hininga na lang ulit ako. pagkatapos nun sinara ko yung libro na hawak ko at naglakad sa bookshelves kung saan ang kinalalagyan ng librong ito at bumalik sa inuupuan ko at para kunin yung bag ko upang umalis sa library na iyon.

ginawa ko yun na walang lingon dun sa taong katabi ko kaganina.

sa totoo lang gusto ko siyang lingunin at batiin ng hi, hello, musta na? pero hindi ko magawa dahil hindi pwede, dumidistansiya na ako sa kanila.

Fast Forward

"ma kumain na po kayo" mahinahon kong sabi kay mama na ngayon nakaupo na nakasandal sa kama niya. ni Hindi man lang tumutugon sa sinabi ko sa kaniya.

nilapag ko yung maliit na lamesa sa harapan niya.

pero tinignan niya lang ako ng may nanlilisik na tingin. Pero imbes na umiwas ako ng tingin sa kaniya nginitian ko na lang siya.

"kumain na po kayo" nanlalambing kong sabi kaniya

"ayokong kumain" diretsang sabi niya lang sa akin.

kaya ang ginawa ko tumayo ako ng matuwid at akmang paalis na

"Kumain na po kayo at aalis na ako" sinabi ko yun habang nakatalikod at pagkatapos kong sabihin iyon nag simula na akong naglakad.

habang nag lalakad ako sa corridor   ng hospital na ito natanaw ko si dok teru na may kausap na nurse na mukang seryoso ang pinaguusapan nila kakaway sana ako pero naisip ko na wag na lang ayoko kase siyang maabala.

kaya ginawa ko pumunta na lang ako sa rooptop ng hospital na ito wala kase akong magawa kundi mag gala. wala naman akong makausap na tao sa kadahilanang limited lang ang taong kilala ko. ang hirap pala talagang maging taong hindi marunong makisalamuha sa ibang tao. Tapos yung limited pa na kilala ko ngayun ay naka banned na sila sa akin napakasaklap talaga ng buhay.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon