Chapter 73: Mahal na Mahal ko siya

178 11 3
                                    

Taru Pov

Pagkadating na pagkadating ko sa basement namin sinalubong nila ako kanilang biglaang tayo, halos lahat sila para bang hindi mapakali na makadating ako sa tagpuan namin.

kaya napakunot na lang ang noo ko sa kanila at umupo sa palagi kong inuupuan.

pag kaupo't pagka upo ko sa upuan hindi ko mawala sa isip ko si shawn na iniwan ko na lang dun sa cafe hindi ko tuloy mapigilang maguilty sa ginawa ko, kahit hindi naman siya galit sa biglaang pag alis ko naguiguilty pa rin ako dahil hindi kami nagkausap ng maayos tinahimikan ko lang siya, walang hiya ganun ba ang date taru? ewan ko na lang sayo.

nakita ko naman na lumapit si sean sa akin at ngumiti ng tipid.

"How's your date with shawn?" mahinang tanung niya sa akin.

hindi man niya pinapahalata pero alam kong nag aalala siya, ewan ko kung bakit pero yun lang nakikita ko sa kaniya.

"pwede ba iset aside muna ang about kay shawn okay?  may mahalaga pa tayong pag uusapan!" taas kilay na sabi ni laine na halatang naiirita kay sean.

napakamot na lang ako ng ulo ko at tinignan sila.

"so ano bang nangyari at halatang hindi kayo mapakali diyan, siguraduhin niyo lang na sobrang mahalaga yan kesa sa date kung hindi pagbubuhulin ko kayong lahat!" banta ko sa kanilang lahat ng nandun, wala namang natinag sa kanila kahit ni mismong pilyong ngiti ni ivan hindi ko nasulyapan kaya naramdaman ko na talagang seryoso ang pagtawag nila sa akin kaya napa buntong hininga na lang ako.

"Leader bumalik na ang leader ng royal lady's" pagkasabit pag kasabi ni daiko nun napahinto ako sa kinauupuan ko.

nagbalik na si Queen?

Queen ang tawag sa leader ng royal lady's hindi yun ang real name niya pero pwede kona ring sabihin na yun ang code name niya, hindi siya palaging pumupunta sa meeting namin noon madalang din siyang pumunta at magpakita sa tagpuan ng mga gangster, pero ang sabi sabi lagi siyang andun, nag mamatyag. Binansagan siya na Queen dahil siya ang pinaka malupet na gangster na babae na makikilala mo, walang awa siyang nambugbog at ang sabi sabi pa walang awa rin ang bibig niya, dudurugin talaga ng mga salita niya ang pag katao mo, at higit sa lahat isa siyang play maker at game maker pinaglalaruan niya ang mga tao base sa gusto niyang mangyari, kaya naturingan siyang queen , Queen of all. marami rin ang lalaking natatakot sa kaniya pati na rin ang humahanga sa kaniya. Pero 2 years ago bigla na lang siyang nawala at hindi na ulit nag paramdam pa, Kaya tinawag siyang long lost Queen. Walang kahit sino ang nakapalit sa tanyag na iyon dahil siya lang mismo ang nagmamayari nun. maliban kay jen tinawag siyang princess devil o kaya naman angel devil, siya kase tanging pumalit sa pagiging leader ng Royal Lady's at siya lamang ang natatanging malapit kay Queen , Dahil dun naging malupet din siya pero hindi niya napantayan ang kalupitan ni Queen.

"Leader?" natauhan ako sa pagtawag sa akin ni justin. kaya napatingin ako sa kanilang mga muka, muka ng mga nag aalala.

"sa tingin mo kaya taru humingi ng tulong si jen kay Queen?" nag aalalang tanung sa akin ni laine.

hindi ko naman magawang ilingan ang tanung ni laine kase pati ako yun ang kutob ko. Pinarusahan ng White phantom ang lahat  ng kasabwat  sa nangyaring gulo at hindi ko alam kung anong ginawa ng white phantom kung bakit hindi na namin nararamdaman ang presensiya ng black sorrow.

"Kapag nangyari yun lahat tayo malilintikan alam mo ba kung anong nangyari 2 years ago? nagkaroon ng gang war! at alam niyo naman kung sino ang nag pasimula nun!" natatarantang singit ni kenneth sa amin kaya sinamaan siya ng tingin ni miki.

yung 2 years ago na yun nag sisimula pa lang ako nun bilang gangster kaya hindi pa ako masyadong kilala nun. pero ang pagkakaalam ko maraming white phantom ang naparusahan dahil sa nangyari. White phantom pinarusahan ang sariling ka Kagang nila, kaya nga nakakapataka ang mga kaganapan noon.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon