Tell Me if its Love

650 25 0
                                    

Shawn Pov

Habang nag lalakad ako papunta sa hospital...hindi na ako nag cocommute kung kaya ko namang lakarin ginagawa ko na aksayado kase sa pera kung gagastos pa ako ara sa pamasahe...malaki pangangailangan ko sa pera...as in sobrang laki....kaya tuwing gabi dito sa tahimik at madilim na daan na ito nakikipag sapalaran ako na mag lakad dito gabi gabi...kahit na kahit sino makasalubong ko...malaking aso na akala mo lalapain yung binti mo sa sobrang laki ng mga ngipin at pangil....laseng gero na na gegewang gewang diyan sa daan tapos biglang hihiga sa gitna ng highway...Baliw na tatawa tawa diyan sa gilid tapos pag minalas pa mapagtitripan pa akong kausapin...minsan nga tinatakbuhan ko na lang eh para maiwasan ko siya minsan kase yung ibang mga baliw nananakit na sila kaya mahirap na...Tapos mga pulubi diyan na namamalimus...na sobrang awang awa ako naman ako kase parang magpapamilya na sila eh...meron pang mga bata mga below 3 kaya kahit gustuhin ko mang bigyan ng pera sila eh hindi ko magawa sa kadahilang ni piso kailangan ko yun kase dami kong kailangan sa buhay...kaya tinapay na lang binibigay ko sa kanila...pero wala sila ngayun dito nakakapagtaka...hmmmm bakit kaya...

tumigil ako sa pag lalakad ko tapos lumingon lingon...

*lingon sa kaliwa*
*Lingon sa kanan*
*lingon sa likod*
*lingon sa harap*

pero ni isang mga tao na lagi kong nakakasalubong wala...

ni adik nga wala eh....nakakapagtaka parang mas natakot pa ako kesa sa dati...feeling ko sinusundan ako ng mga patay sa hospital....nakakatakot kaya yun...

bigla naman akong tinayuan ng mga balahibo sa braso...napayakap ako sa sarili ko at nanginig...

"ang lamig" yun na lang yung nasabi ko sa sarili ko...

habang sinumulan kong ihakbang yung mga paa ko nanginginig pa rin...nakarinig ako ng mga sigawan sa liblib na lugar...sigawan na parang nangangatyaw...sigawan na parang may nag aaway...kaya muli na naman akong napahinto sa kinatatayuan ko...at pinakinggan kung saan nanggagaling ang ingay na yun...hindi ko alam pero kusang nag lakad ang mga paa ko papunta kung saan nanggagaling ang ingay na iyon...

at sa pag sunod ko sa mga paa ko kung saan man ako dinala natuklasan ko ang mga pangyayaring ito...ang daming mga tao....kung tatansyahin ko sila kung ilan sila mga nasa 400 na katao sila...Mapababae o lalaki...

"Ano ba! mamaya may makakita sa atin isumbung nila tayo"bigla naman akong kinilabutan sa narinig ko...
kaya nag tago ako sa likod ng pader...sana hindi nila ako makita....

habang nagtatago ako sa pader
..dumaan naman sa harap ko yung dalawang nag lalandian....sinundan ko naman sila ng mata ko

"Ano ba hindi nila tayo mapapansin maganda laban diyan ngayun kaya tutok sila kaya wag kang mag alala"sabi nung lalaki sa babae habang nakahawak yung lalaki sa bewang nung babae...

napakunot na lang ako ng noo dahil...hindi naman ako inosente para hindi ko alam kung ano yung binabalak nilang gawin..aba ang dami ko ng nakasalamuha na ganiyan ang story...naging isang tiga payo rin ako pag dating sa love life...pero tsambahan lang naman ang lahat....

dahan dahan naman akong sumilip dun sa nagkukumpulan na mga tao...

grabe yung mga muka nila ang tatapang...mapababae o mapalalaki...tapos yung mga suot nila kulay black lahat...

napaisip tuloy ako...sila ba yung tinatawag nilang praternity?...narinig ko lang yan minsan...dun sa isa kong kaibigan sabi niya matutulungan ako ng mga kasali sa prat kung sasali din ako dun...pero tumanggi ako kase gusto ko ako mismo ang mag tatrabaho para sa mama ko at hindi ko kailangan maging masamang tao para lang mapagamot ang mama ko...at saka naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko...

"Woooooh!!!"

bigla akong napabalik sa realidad nung narinig ko sigawan ng mga tao...at bumungad sa akin ang duguan na labanan...yung lalaki halos hindi mo na makita ang kaniyang muka dahil natatabunan na yun ng kulay pula at yun ay dugo...

at yung kalaban niya duguan na rin pero mas malala yung lalaking nakaluhod...tapos hindi pa naawa yung kalaban niya tinuhod niya pa eto sa muka...

napaatras na lang ako sa pangyayaring eto...halos hindi ko alam kung ano ang dapat kong gagawin...tatakbo ba ako o itutuloy ko pa yung panunuod ko na brutal na labanan...

"Kill him!!! Kill Him!!! Kill him!!"sigaw ng mga tao...habang yung iba nag tatawanan...

yung lalaki na kulay Yellow yung buhok...siya yung mukang nananalo...feel na feel niya pa nga yung sigawan ng mga tao eh...tapos sinasabay niya pa yung kamay niya sa mga sigawan ng mga tao para bang bang sinasabi niya na lakasan niyo pa mag ingay pa kayo...

"kill him already!! Just kill him!"sigaw ng isang lalaki...

tawanan naman yung mga tao...agad agad kong tinignan yung lalaki na mukang mauubusan na ng dugo na nakahandusay sa sahig....

"Hindi ba siya mag mamakaawa? mamatay na siya"alala kong sabi sa sarili ko...

halos hindi na ako mapakali dun sa tinataguan ko...padyak dito padyak dun ako...

biglang......

napatigil ako...dahil may lumingon na isang lalaki sa gawi ko...

nanigas naman ako sa kinatatayuan ko...feeling ko naging bato ako...

nakita niya ba ako?? tatakbo na ba ako..??

hindi ko alam pero sa oras na to wala akong maisip...

halos nag titigan na kami....

biglang may humawak sa balikat ko...

"miss why are you here? it's too dangerous for you to be he---"

hindi pa nakakatapos yung lalaking humawak sa balikat ko tinaggal ko na agad yung kaniyang kamay na nakahawak sa akin at agad agad na tumakbo...

para akong lula na hindi alam ang ginagawa kundi itakbo na lang ako ng mga paa ko...hanggang sa napatid ako...

*boogsh*

nasubsub mismo ako...alam ko na masakit yun pero sa sobrang takot ko...hindi ko dinaing ang sakit bigla bigla na lang akong tumayo at ipinagpatuloy yung pag takbo ko...

sa buong buhay ko ngayun lang ako natakot ng sobra sa mga tao...sabi ko nun ayos lang sa akin na mamatay ako kase wala naman ng saysay yung buhay ko...pero hindi pala napakahalaga pala ng buhay...ngayun ko lang nalaman na gusto ko pa palang mabuhay...

(thank you for now dito na po nag tatapos itong chapter na ito...

Kung binabasa niyo naman po ito patuloy lang po kayo sumubaybay dahil sa next chapter makikilala na natin ang mga lalaki na bibida dito sa kwento at mga tao na susubukin ang tatag ni shawn bukas na po yan!! love you po!!)

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon