Chapter 67: Tamang panahon

186 16 0
                                    

Shawn Pov

Inabot din ako ng ilang araw sa hospital hindi ko namalayan na december na pala kaya pala lately nilalamig na ako yun pala malapit na namang mag christmas. Malamig na naman ang simoy ng hangin.

habang ng didiscuss ang aming guro heto ako inaalala ko lang naman ang chrismas ko nung isang taon. Naalala ko na kasama ko si dok teru nun, inaya niya akong maglibot. Gusto niya na ba ako nun? hays.. dahil naalala ko yun, naalala ko nakailangan ko pa pala siyang bustedin, ipagtapat ko na kaya kay dok teru na si taru talaga nilalaman ng puso ko?.

natapos na yung klase pero para ba akong lula na nasa iba ang atensiyon ko.

habang inaayos ko ang mga gamit ko di ko napigilang tumingin sa upuan ni sami. Pero nakakapagtaka absent siya ngayun, dati hindi naman niya gawain ang bagay na yun, yung umabsent, mga kabataan nga naman ngayun dahil lang sa pag ibig sinasira ang buhay.

"Hey Shawn! huwag ka munang umuwi at pag uusapan pa natin ang pakulo natin sa christmas event." tawag sa akin ni president kaya napababa tuloy ako ng bag at tumango sa kaniya.

"kaya nga ilang araw ka ng wala sa klase natin tuloy hindi ka na nakakatulong sa min" reklamo nung isa kong classmate.

hala ganun na ba ako ka irresponsible na student.

" sorry hindi ko sinasadya" pag hingi ko ng sorry sa kanila

maya maya may kumalabog sa pintuan namin kaya sabay sabay kaming nagulat at napatingin sa taong kumalabog nun.

kinunutan ko lang ng noo si laine.

eskandalosa talaga ang babaeng to.

"uy laine! long time no see! hinahanap mo ba si shawn? ayan siya oh! shawn sama ka na kami ng bahala dito alam mo namang malakas ka sa amin" biglang pag iba ng mood nung classmate ko kaninang nag rereklamo.

ayos din, takot pala sila kay laine.

napangiti na lang ako at kinuha ang bag ko at lumabas na.

"sabihin mo lang sakin shawn kapag inaaway ka nila isusumbong natin sila kay taru" maangas na sabi sa akin ni laine.

iba talaga pag gangster ka, akala mo kung sino ka.

"ok lang naman ako eh" mahinang tugon ko kay laine.

"akala mo ba hindi kita nakitang kausap mo si taru kahapon!" biglang open ng topic ni laine about dun sa nangyari kahapon.

dahil sa takot ko na masermunan niya nag madali na akong naglakad sinundan naman niya ako.

"may binibigay si taru sayo kahapon at nakita ko yun na kinuha mo! nginingitian mo pa siya! sabihin mo nga sa akin shawn kayo na ba?" galit na galit na sigaw sa akin ni laine habang hinahabol niya ako na patuloy pa rin sa pag lalakad ng mabilis.

"hindi pa no, nauuhaw lang talaga ako kaya kinuha ko yun" palusot ko kay laine habang hindi siya tinitignan dahil patuloy pa rin ako sa paglakad ng mabilis.

"Umamin ka! yung totoo! diba sinabi ko sayo na magpakipot ka!" sabi niya sa akin.

nung nainis na ako nilingon ko na siya pero patuloy pa rin ako sa pag lalakad ng mabilis nun

"hindi pa nga ang kulit mo!" inis na tugon ko sa kaniya, dahil nga nagmamadali ako na naglalakad   at nakatingin pa sakaniya hindi ko namalayan na may makakasalubong na pala ako kaya paglingon ko

kaboom!

nag kabanggaan kami napakapit pa nga ako sa braso niya at siya mismo hinawakan niya ang waist ko ng sa gayun hindi ako mabuwal.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon