Shawn Pov
anong ginagawa nila dito? pati ba naman dito sa restaurant makikita namin sila? aba naman? nanadya ata ang tadhana eh!
andito kase kami ngayun sa isang restaurant, bale nung matapos ang movie na pinanuod namin nag hiwalay hiwalay na kami kaso laking gulat namin pag dating namin dito sa restaurant bumungad agad sila sa aming harapan.
naman oh! saklap ng buhay!
nakasimangot tuloy ako sa harap ng menu.
balak pa ngang tumabi ni dok teru sa kanila hinila ko lang siya palayo eh.
hindi ba kase nahahalata ni dok teru na awkward kami sa isat isa?
alam ba niyang naging ex ko si taru? kahit na kunyarian lang?
ay oo nga pala nasabi ko na wala pa akong nagiging boyfriend
natakot nga pala akong sabihin sa kaniya noon.
napabuntong hininga naman ako.
"ako na lang oorder para sayo shawn..mukang wala kang gana.."nakangiting sabi sa akin ni dok teru, tinanguhan ko na lang siya at kumalumbaba at tumingin sa labas.
pagkatapos kausapin ni dok teru ang waiter nagulat na lang ako ng bigla niyang ipatong sa balikat ko ang coat niya
"marami kaseng mata ang tumitingin sayo at ayoko nun" nakangiting sabi sa akin ni dok teru at tinap niya ang ulo ko at bumalik na siya sa upuan niya
samantalang ako hindi man lang kinilig sa ginawa niya kundi nakabusangot pa rin ako
ewan ko pero napatingin ako sa gawi nina taru
na pinagsisihan ko rin bandang huli
pano naman kase ang nadatnan ko pa eh yung sinusubuan siya ni sami, masaya silang dalawa.
napabuntong hininga ako.
"ang sarap siguro kapag mahal ka ng mahal mo" nasabi ko nalang yun sa sarili ko habang tinitignan silang dalawa
biglang hinawakan ni sami ang kamay ni taru at akmang hahalikan niya si taru
agad agad kong iniwas ang tingin ko sa kanilang dalawa.
bakit ba ang landi nilang dalawa? andito sila sa public no!
para tuloy nadurog ang puso ko.
ouch ouch.
kanina sa sinehan akala ko may gustong sabihin sa akin si taru, yun pala umasa lang ako sa wala.
shawn kailan mo balak mag move on? kailan mo balak kalimutan si taru?
bakit hindi mo isaksak sa kukote mo na may mahal siyang iba at kailanman hindi magiging ikaw iyon.
hindi ko alam pero napatulo na lang bigla ang luha ko na agad agad kong pinunasan.
"hala napuwing ako ha-ha-ha" palusot ko habang patuloy pa rin ang pag agos ng luha ko sa aking mga mata at patuloy ko pa rin naman iyong pinupunasan.
nakita ko namang kumuha ng tissue si dok teru sa harap namin at inabot ito sa akin
agad agad ko itong kinuha at pinangpunas sa luha ko.
"shawn ayos ka lang?" malungkot na tanung ni dok teru sa akin
tinignan ko lang si dok teru at tumango tango.
"alis na lang tayo?" aya niya sa akin
umiling iling ako sa kaniya at tuluyang pinigil ang luha
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
أدب المراهقينIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...