Chapter 56: Mapait na kapalaran

246 12 8
                                    

Taru Pov

"What the??? anong sabi mo sean?" gulat na gulat na tanung ni kenneth kay sean na halos pati yung apat na kasama niya gulat na gulat din.

hindi naman ako nagulat sa pag amin na ginawa ni sean, halata ko naman sa kaniya na gusto niya si shawn pero ang malaman na nililigawan niya si shawn yun ang bagay na hindi ako talaga makapaniwala.

pumayag ba si shawn na ligawan siya ni sean? akala ko ba kay teru siya? huwag mong sabihin nag papaligaw siya sa dalawang to?

agad agad kong tinignan si laine, dahil sa pag kakaalalam ko binusted siya ni sean.

habang tinitignan ko si laine nakatahimik lang siya sa kinatatayuan niya maya maya kumilos na siya

"Pumayag ba si shawn na ligawan mo siya?" seryosong tanung ni laine kay sean

tumingin lang si sean na may ngiti sa kaniyang pagmumuka dahilan para medyo maasar ako.

"Syempre gumawa ako ng paraan para hindi ako matanggihan ni shawn, atsaka kahit tumanggi yun hindi ko pa rin naman siya titigilan, ang pag kakaalam ko sa panliligaw hindi mo kailangan ang permiso ng babae diba ang panliligaw parang pansusuyo? simula ng makilala ko siya gusto ko ng mapalapit sa kaniya, kaya nga nag aral ako ng mag tagalog at nagpatulong sa kaniya ng sa ganun mapalapit ako sa kaniya" habang sinasabi niya iyon na may ngiti sa kaniyang labi tumingin siya sa akin

"Gusto ko siya taru, gusto ko si shawn" napatikom naman ako ng kamao ko.

naiinis ako, naiinis ako kase bakit para sa kaniya madali lang sabihin yun sa harap namin.

samantalang ako nahihirapan ako.

bakit....

bakit ako naiinis? bakit ako naiinis kay sean? kailangan bang pag talunan ulit namin ang iisang babae?

bakit this time natatakot ako? natatakot ako na baka maunahan niya ako?

ganito lang ba ang tadhana naming dalawa? ang ibigin ang iisang babae lamang?

tinignan ko si laine.

nakangiti lang siya pero nakikita ko sa kaniya na gustong gusto na niyang umiyak.

napagulo na lang ako ng buhok.

gusto ko siyang sapakin dahil hindi man lang niya inisip ang nararamdaman ni laine ngayun, pero wala akong magawa... nawawala si shawn mag aaway away pa ba kami?

nakakainis naman kase tung bibig na ito...bakit kailangan mong itanung sa harap nila ang bagay na iyon.

ewan ko ba nung nakita ko siya na ganun ang kalagayan niya hindi ko naiwasang maitanung sa kaniya ang matagal ko ng gustong itanung kahit alam ko naman na ang isasagot niya.

"itigil niyo na yan kailangan nating mahanap si shawn  isantabi niyo muna yang emosyon niyo" walang emosyon kong sabi sa kanila ako mismo gusto kong magalit kay sean at gusto ko siyang bugbugin pero hindi ko alam kung ano yung dahilan para gawin ko iyon?

kahit na bumalik ulit ang mapait na kapalaran naming dalawa mananatili pa rin na kaibigan ko siya.

hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa niyang pag sasakripisyo sa pagmamahal niya kay sami para sa pag kakaibigan naming dalawa.

"Tama huwag na muna nating pag usapan yan kailangan nating hanapin muna si shawn" pag sasang ayon ni laine sa akin kahit teary eyed na siya.

saludo talaga ako sa babaeng ito kahit nasasaktan na siya nagawa niyang isantabi iyon para sa kaibigan niya.

mahal na mahal niya talaga ang kaibigan niya.

at ako mahal ko-----sh*t ano ba itong pinag sasabi ko sa isip ko may gana pag mag isip ng ganiyan nawawala na nga siya.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon