TMIIL💐

194 12 5
                                    

Taru Pov

buntung hininga ko sa inuupuan ko

andito kami ngayon sa tambayan namin hindi ko alam kung bakit andito ako kahit walang tao siguro dahil may tinataguan akong isang taong mas makulit pa kay laine wala atang kapaguran ang babaeng yun halos lahat ng games sinalihan  at ang masaklap bakit ako yung hinihila niya para maging kapartner niya sa game kung wala lang talagang nanunuod sa amin na maraming tao pinagalitan ko na naman yun wala atang takot kase feeling niya girlfriend ko talaga siya kung alam niya lang gustong gusto ko na talaga siyang sapakin kung hindi lang siya babae at innocente sasapakin ko na talaga yung babaeng yun pasalamat siya kaibigan siya ni laine

napagulo ako ng buhok...halos tagatak yung pawis ko dahil sa pinag gagawa ng babaeng yun makakabawi rin ako sa kaniya...

*Flashback*

"okay ang una po nating laro ay tag of war!! kumuha na po kayo ng kagrupo niyo at simulan na ang laban!!" sigaw nung mc

wala naman masyadong nag sasaya sa sinabi ng mc eh wala namang paki ang mga student dito sa mga palaro eh pumunta lang sila dito para manuod hindi para sumali

nagulat na lang ako ng may kumapit sa braso ko naparang tuko ng tinignan ko si bwiset na shawn na sobrang ngiti sa akin

ano na naman kailangan ng babaeng to?

"problema mo?" tanung ko sa kaniya na may kunot ang noo

"tara sali tayo sa tag of war! gusto kong sumali!!" pacute niyang pilit sa akin

sinabi ko na bang hindi siya cute kapag ginagawa niya yan? nan didiri lang talaga ako gusto kong sumuka eh...

"ayoko mag isa mo!" inis na danggil ko sa kaniya

sinamaan niya lang ako ng tingin...

"gusto mo ba tayo mag break?!!" sigaw niya na nanlalaki ang mga mata na nakahawak pa sa bewang niya na halatang tinatakot niya ako

napatingin naman ako sa paligid namin andiyan na naman ang mga chismosang tao

napailing na lang ako at hinila sya papunta dun sa palaro na tag of war

"ano masaya ka na? galing mo rin manakot no?" inis na bulong ko sa kaniya

tapos tumingin ako sa kaniya nakangiti lang siya ng sobra sobra

"takot ka na iwan kita no? love na love mo talaga ako!" kinikilig niyang sabi sa akin habang dinadanggil niya ako

pahawak hawak pa siya sa kaniyang pisngi kunyare nag bablush hindi naman

kung pwede lang talagang pumatay ng tao papatayin ko talaga tong isang to talagang nabwibwiset ako sa ginagawa niya eh akala niyo ba nakakatuwa yun hindi, hindi kase magandang tignan! hay kung alam lang nila ang totoong ugali ng babaeng to. mapangbalat kayo tung babaeng to wag kayong maniwala

so ayun nga pumunta kami sa lubid at hinawakan yun bale nasa harap ko siya sa likod niya ako so ang dating non inaalalayan ko siya

hayaan ko kaya tong bumagsak sa lupa ng makita niya

"one! two! three! GO!!" sigaw nung mc

nung nagsimula na ang hilaan hindi man lang ako nakikihila kahit na nakahawak kamay ko sa lubid wala akong ginagawa kundi pinapanuod ang babaeng to na sobrang dedicated sa pag hila ng lubid

"pull!!" sigaw niya habang sobrang nahihirapan na kakahila ng lubid

tinignan niya ako ng may nahihirapang muka habang ako nakatingin lang sa pangit niyang mukang nhihirapan

muntikan tuloy akong matawa sa pag mumuka niya buti na lang napigilan ko kinagat ko na lang labi ko at umiwas ng tingin sa kaniya

"anong nakakatawa? hindi kita inayang sumali dito sa laro para manuod lang at tawanan ako maghila ka nga!!" sigaw niya sa akin na halos umuusok na ang tenga pati ilong niya sa galit

pinipigilan ko lang talagang tumawa dahil nga sobrang pangit niya kapag nahihirapan muka siyang ewan

padabog naman niyang binitawan yung lubid at humarap sa akin at pumamewang sa harap ko

"hindi ka nakakatawa alam mo yun?" inis na sabi niya sa akin

hindi ko naman binibitawan yung lubid na hawak ko

"ano bang ginagawa ko? diba hawak ko yung lubid? humuhila naman ako kahit papaano" paliwanag ko sa kniya na inis din ang pag kakasabi

binitawan ko rin yung lubid

" ayoko na!" pagkasabi ko nun biglang nahila ng mga kasama namin yung lubid papuntang teritoryo namin kaya nabwal sa likod ni shawn yung mga kasama namin kaya natulak siya paunta sa akin

hindi ko alam pero wala naman kong balak sapuhin siya sa totoo lang lumayo pa nga ako ng kaunti sa kaniya para hindi niya ako makapitan pero sa kasamaang palad naabot niya pa rin ko

kumapit siya sa magkabilang balikat ko na dahilan para maout of balance ako at habang pinapatuloy kong ibalance ang sarili ko natalisod ako sa kung ano mang bagay na yun na dahilan ng pag tumba ko sa lupa

kaya ang nangyari nasa ibabaw ko ngayun si shawn habang hawak hawak niya ang balikat ko at nakatingin sa aking mga mata

ang awkward lang tignan, gusto ko siyang itulak kaso paglingon ko sa mga tao nakita ko si sami na nakatingin sa amin ng nakita niya ang mga mata ko umiwas siya at umalis na...

"ayiie ang sweet ng mag jowa!" asar sa amin ni ivan tapos si sean at laine tinatago nman nila yung tawa nila

nagkatinginan kami ni shawn ng marealize niya na awkward ang lahat bigla bigla siyang tumayo at pinagpag ang kaniyang damit

Tumayo din ako ng dahan dahan at nag pagpag ng damit, habang nag papagpag ako ng damit nagulat ako ng tulungan ako ni shawn na mag pagpag ng damit

"sorry hindi ko sinasadya" mahinahon niyang sabi habang pinapagpag niya ang damit ko

kinunutan ko lang siya ng noo wala lang naiinis lang talaga ako sakaniya

at akala ko pagkatapos ng insedenteng yun papalayain niya na ako pero nag kamali ako inaya niya pa ako na sumali sa sock race

ayoko talaga pero pinilit niya talaga ako tapos sinabi pa niya ito ang paraan para patunayan ang aming relationship sa mga tao

relasyon niya muka niya wala naman kming relasyon

yung ang lakas niya mag aya sa sock race pero lampa naman siya ilang beses ko siyang tinayo sa sock race ewan siguro hindi magkasundo talon namin kaya siguro nabubuwal siya kaya ginawa ko hinawan ko na siya sa bewang niya at isinabay sa talon ko

ewan ko pero nakita ko siyang masaya na ginagawa ang sock race

ano bag masaya dito? kaya nung nanalo kami sa sock race tuwang tuwa siya at nag tatalon sa tuwa ako pinapagpag ko lang yung paconfetti ng games na yun...kaartihan kase ang pinag gagawa eh

nagulat na lang ako ng bigla akong yakapin ng babaeng yun habang tumatalon talon pa...

ganun naba siya kasaya para makalimutan niya na hindi kami close? pag masaya ba ang tao yayakapin niya ang kung sino sino?

so pag katapos nun inaya niya pa ako kung saan saang palaro na halos ikapagod ko dahil ako lang ang tiga gawa lalo na yung batuhan ng bola yung mechanics ng games yung poprotektahan mo yung partner mo so halos ako ang nabato ng bola para lang maprotektahan siya tapos eto siya tuwang tuwa masaya ba siya na nasasaktan ako ganun?

tung babaeng to kapang tinitignan ko siya ng masama sisimangot lang siya sa akin tapos tataasan niya ako ng noo

yabang talaga ng babaeng to

habang tumatagal hindi ko alam pero sa tingin ko mali ba ako ng pag kakakilala sa kaniya? mali ba ako?

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon