Shawn Pov
Isang linggo na ang lumipas nung araw na pinutol namin ni taru ang ugnayan naming dalawa simula nung araw na iyon hindi na kami nagkita ewan ko ba ang galing nga eh ni hindi nga kami nag kakatagpo kahit sa isang beses sa isang linggo na iyon. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba yung hindi kami magkita oh sadyang tadhana na mismo ang nag lalayo sa aming dalawa.
Ang galing din pati tadhana ayaw sa amin pero ayos nayun kase kapag nagkita kaming dalawa sigurado na hindi niya rin ako papansinin
masasaktan lang ako
napatigil ako sa hallway na nilalakadan ko at nag inhale ako at exhale pagkatapos nun pinilit kong ngumiti
kailangan ko ng mag move on, tama walang mangyayari sa akin kung patuloy ko lang iisipin yun
tumango tango ako
"Shawn" narinig kong binanggit ni laine ang pangalan ko kaya agad agad ko siyang nilingon
"laine" banggit ko din sa pangalan ni laine ngumiti naman sa akin si laine
"kamusta ka na?" tanung sa akin ni laine hindi ko alam kung anong meron pero para bang malungkot si laine na nasa harap ko ngayun at hindi ko alam kung ano ang dahilan
"ayos lang ako ikaw nga ang mukang hindi ayos" diretsahang sabi ko kay laine
nagulat naman si laine sa sinabi ko at pinilit niyang ngumiti sa akin
"sorry shawn" yun lang ang nabanggit ni laine sa akin para talagang may kakaiba kay laine ngayun, ano kaya dahilan?
"ayos ka lang?" nang aalalang tanung ko kay laine
bigla namang yumuko si laine.
"don't worry shawn ayos lang ako sige mauna na ako" iwas niya dun sa usapang kung ayos lang ba talaga siya
muka talaga na hindi siya ayos pero ayaw niya namang sabihin sa akin ang totoo
ano kayang nangyari?
pagkatapos ng aming klase agad agad akong umalis sa classroom namin para naman hindi ako mapagtripan nung lima na yun, ganun na lang palagi ang ginagawa ko tumatakas sa kanila alam ko kase na pag titripan na naman nila ako
pag upo ko sa library nag buntong hininga ako
"Ang lalim naman nun shawn" napatingin ako bigla sa nag salita sa tabi ko pagtingin ko sa tabi kong upuan dahil alam ko na sa kaniya galing yung salitang iyon.
pero hindi ko makita yung kaniyang pagmumuka sa kadahilanang natatakpan ng libro ang kaniyang pagmumuka pero dahan dahan niya iyon na ibinaba
tapos binigyan niya ako ng napakagandang ngiti napangiti na lang din ako sa kadahilanang hindi ako nagkamali na si sean yun
bakit kaya sa tuwing pupunta ako dito sa library andito siya? bakit lagi pa siyang napupunta sa tabi ko? ano yun?
tapos biglang naalala ko si laine
"Sean ano palang nangyayari kay laine? muka siyang malungkot" biglang tanung ko kay sean kaya nabigla siyang nagulat sa tanung ko
"wala mang hi?" demand ni sean sa akin
"hindi naman na kailangan yun lagi naman kitang nakikita dito sa library" walang ganang sabi ko sa kaniya
binigyan niya lang ako ng seryosong tingin. Kaya napaatras ako ng kaunti sa tingin niya ano problema neto
"so ayaw mo na akong makita?" seryosong tanung sakin ni sean
nabigla naman ako sa sinabi niya, pero maya maya huminga ako ng malalim at ngumiti sa kaniya

BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
أدب المراهقينIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...