Chapter 29: Magsisimula na ang totoong laban

212 14 0
                                    

Taru Pov

nang dumating ako sa basement namin nahagilap agad ng mata ko yung babaeng hindi belong sa gang namin

tinignan ko siya mula ulo hanggan paa.

hindi kase ako sanay na makita siya na may makapal na make up at muka talaga siyang gangster naka leather jacket pa eh.

with matching fitted na palda na black at boots na malaki. naiilakad niya kaya yan para kaseng ang bigat bigat ng boots niya eh

"anong ginagawa mo dito?" tanung ko sa kaniya

"ano pa ba edi papanuodin ko ang laban ng boyfriend ko? diba ang sweet kong girlfriend supportado ko yung boyfriend ko na taran**** kahit na ako yung ginawa niyang taya. pero wag kang mag alala naiintindihan kita. mahal pa rin kita kahit na ginaganiyan mo lang ako" sarcastic niyang sabi sa akin

napakutkut na lang ako ng tenga sa kadaldalan niya

"yow taru!!" dating ni justin sa basement namin

si justin ang pinaka bata sa amin grade 10 siya bagong sali din siya, wala pa siyang isang taon dito sa aming gang.

"yow justin! musta pag aaral mo?" salubong ni ivan at hinila niya ito palabas ng basement

"yo! leader!" biglang bungad ni daiko pag kaalis na pagkaalis ni justin at  ivan sa basement.

binigyan ko lang siya ng isang tango at tinap ang balikat niya.

napatingin naman siya kay shawn.

"hi shawn!" bati niya kay shawn.

si shawn naman halatang takot kase nag tago siya mismo sa likod ni laine.

sasama sama dito tapos takot naman.

si daiko kase isang malaking tao yan napakaraming tattoo sa katawan kahit na grade 12 pa lang ilang beses na ngang nakick out yan sa school eh. palibhasa kase mayaman kaya nagagawa niya lahat ng gusto niya.

muka lang adik yan pero mabait yan. isa sa friendly na tao yan

"wag mong takutin si shawn daiko!" asar na suway ni laine kay daiko

umupo naman sa upuan si daiko habang tumatawa na parang baliw

"ganun na ba ako nakakatakot? kahit hindi ko kayo takutin natatakot kayo? hindi naman yun masakit" sarcastic niyang sabi kay laine.

inirapan lang siya ni laine.

ewan pero hindi magkasundo yung dalawang yan lagi lagi kaseng binibwiset ni daiko si laine kaya ganun na lang ang inis ni laine kay daiko.

hindi niya alam crush siya ni daiko kaya siya binibiro lagi. matatawa na lang ako sa katorpehan ng lalaking yan

"hoy shawn halika na aalis na tayo" tawag ko kay shawn na nakadikit pa rin ka laine

tumingin lang siya ng masama sa akin. ano na naman ba ginawa ko sa kaniya? parang halos lagi na lang ata ako may kasalanan sa kaniya. dinaig niya pa papa ko na laging galit.

lumapit ako sa kaniya at hinila ko siya sa wrist niya.

"sasabay ako kay sean!" sabi niya sa akin habang hila hila ko siya.

"si laine ang sasakay dun"sagot ko lang sa sinasabiniya

hinila naman niya yung kamay niya sa akin

"sasama naman ako sa iyo hindi mo na kailangan hilain ako." nakapout niyang sabi sa akin

"gusto mo ba talagang manuod sa laban ko?" curious na tanung kosa kaniya

tinignan niya lang ako ng seryoso sa mga mata ko.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon