Tell Me If It's Love #14

229 12 0
                                    

Shawntel Pov

pag katapos pangyayaring yun nanalangin na ako tuwing gabi na sana huling beses ko ng sakay sa motorcycle ni taru yung gabi na yun

habang inaalala ko kase gabing yun, naalala ko lang kung gaano kagulo ang pinasok ko, napapaisip nga ako kung ano ba yung nasa isip ko kung bakit pumayag ako sa alok ni laine? alam niyo ang nakakainis? naisip ko na nauto ako ni laine sa pera...alam niya ang kahinaan ko, alam niya kung saan ako bibigay, alam niya kung ano ang kailangan ko, kaya nga naiinis ako...

hindi halata pero naiinis talaga ako kahit ganito itsura ng pag mumuka ko...

halos hindi ko maingat ang ulo ko at ni hindi ko mahawi ang buhok ko sa muka ko kahit na natatabingan niya ang mga mata ko kahit na nag lalakad ako...

nag lalakad ako dito sa hallway ng academy na ito na halos lahat ng mga mata ng mga tao nasa akin

ano bang problema nila diba? wala naman akong ginagawang masama para tignan nila diba? sa school nga namin, ssg president ako pero kakaunti lang ang nakakakilala sa akin pero dito ni kaka transfer ko palang feeling ko laman na ako ng balita dito sa campus na to eh..

hindi kaya celebrity si taru? ooow may boyfriend akong celebrity?

buset!! celebrity nila muka nila! boyfriend niyo muka niyo! Mga Gangster!!!

nagwawala na ang inner me pero heto ako nanatiling nakayuko habang naglalakad sa hallway...

ngayun ko lang napansin na parang ang layo ng classroom namin ah...

tapos may natanaw naman ako sa baba na may nakatayo sa harap ko kaya napatigil ako..

napakaganda naman ng kaniyang shoes..

unti unti akong tumingin sa kaniya..

pagktingin ko si teka ito yung babaeng angel mo kung aakalain pero demonya pala...

naka cross arm siya sa harap ko habang nakangiti ng tipid sa akin...teka lang mag babait baitan na nman ba siya?

"Ikaw yung girlfriend ni taru diba? Ako si Jen Lin Alcaide Ikaw?" pakilala niya sa akin habang nakangiti siya sa akin at inabot niya ang kamay niya sa akin

"sabi sayo siya yung girlfriend ni taru...bali-balita na eh...tignan mo kinonfirm narin ng ssg peesident natin" nabigla naman ako sa bulung bulungan ng mga tao sa gilid namin kaya napatingin ako sa kanila...

mukang natakot ata sila sa bigla kong ko tingin kaya napaatras sila

"nakakatakot siya gangster din ba siya?" bulungan na naman nila

teka wala naman kong ginagawa ah? ano na naman ba yung sinasabi nila  na nakakatakot ako at gangster ako?

napailing na lang ako...inayos ko yung buhok ko sa harap nila at nag bow ako sa kanila ibig sabihin nun nag sosorry ako kung natakot ko man sila

"maganda rin pala siya" bulung nung isa

"mas maganda si sami" girl 2

"mas maganda si jen" girl 3

bakit importante ba kung sino mas maganda? wala nga akong pakialam dun diba? bakit ba ang hilig nilang mag kumpara? napailing iling na lang ako at hinarap ko ng may pag kairita si jen..

sino bang maiirita sa taong alam mo naman na masama ang ugali pero heto makikita mo bait baitan sa harap ng ibang tao at ano daw? SSG president? siya yung president ng campus na ito? sa ugali niyang yan? alam ba nila na gangster to?

nag buntung hininga naman ako tapos inabot ko ang kamay niya na kanina pa niyang inaabot sa akin

"Ako si Shawntel Lie Guevarra pwede mo na lang akong tawagin na shawn lie sabi nila mas maganda daw kase yun" paliwanag ko dun sa pangalan ko

binitawan naman niya kamay ko at patagong pinunasan ang kamay niya..

hindi  ako makapaniwala sa ginawa niya...hindi kaya nila nakikita ang kasamaan ng budhi ng babaeng ito...eh para ngang kayang pumatay ng babaeng to eh...

wag kayong mag papaloko sa panlabas na anyo...katulad na lang nangyari sakin nun! buti na lang nadala na ako...kailangan niyo ring tumingin sa panloob hindi lang palagi sa panlabas...dun kayo naloloko eh tsk tsk

napailing iling ako

"Sagutin mo ang tanung ko girlfriend ka ba ni taru?" ulit na tanung niya sa akin halos nag silakihan naman yung mga tenga ng mga nakikinig sa amin

ngumiti ako ng tipid sa kaniya

"kung ano yung alam yun yun na yun" diretsang sabi ko sa kaniya at nag lakad na ako palayo sa kaniya nilagpasan ko siya na parang isang napakatapang na babae.....

siguro hindi ko talaga mahal ang buhay ko nag hahanap ata ako ng ikakamatay ko ng maaga eh...

napagulo na lang ako ng buhok ko....

biglang may nakabunggo ako pero imbes na ma-out balance ako hinawakan niya yung wrist ko kaya nabalance ko ang sarili ko...

alam mo shawn tumingin tingin ka kase sa dinadaanan mo napaka lampa mo kase eh...

npatingin ako sa wrist ko na hawak hawak niya pa rin

uyyyy ang ganda ng mga daliri ah...tapos tumingin ako sa kaniya

nanlaki ang mata ko dahil kilala ko siya...

"ah si good looking guy!" turo ko sa kaniya

tapos napaisip ako sa sinabi ko

"ano good looking guy?" tanung ko sa sarili sabay binaba ko yung darili ko na ginamit ko panturo sa kaniya

gusto ko lang naman sabihin na siya yung mukang mabait na lalaki? ewan ko kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko

"I know that I am good looking but anyway thank you" nakangiti niyang sabi...

pero alam niyo yung pagkakasabi niya na yun yung hindi mo siya makikitaan na mayabang siya pagkasabi niya nun...yung parang ang humble ng dating hindi ba? bakit ganun siya?

bakit kahit magsabi siya ng ganun mabait pa rin ang tingin ko sa kaniya

"are you going to your classroom?" tanung niya sa akin

tumango lang ako dahil wala talaga akong masabi

"ahh okay....be safe" nakangiti niyang sabi sa akin tapos tinap niya ako sa balikat ko at nilagpasan niya na ako at naglakad na siya sa hallway na tinahak ko na sobrang haba...

mukang may pupuntahan siya kase nagmamadali siya eh..

pero natauhan ako sa sinabi niya...anu daw? be safe? classroom pupuntahan ko hindi labanan...pero kung ang mga kaklase hanap gulo eh kailangan ko talagang mag ingat...jusko>_<

(guys! it's Update time!!  may bago na namang character akong ipapakilala malapit na sa next chapter na sila!! stay update guys... wag niyo kaming iiwan😅 salamat guys!)

Tell Me If &quot;It's LOVE&quot; (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon