Shawn Pov
hindi ko alam kung ano ang pwede kong sabihin ngayun, dahil hindi ko alam kung sino ang kasama ko ngayun na nag hahanap kay mama
hindi ko alam kung si taru ba talaga to o sinapian ni doc teru
kung ano ang nararamdaman ko kapag nandiyn si doc teru ganun ang nararamadaman ko ngayun, ngayung kasama ko si taru
napaparamdam nila sa akin kung gaano sila ng aalala sa akin
bakit ganun? bakit parehong pareho sila ng kuya niya,
hindi yun ang mahalaga ngayun, kailangan kong mahanap ang mama ko yun ang mahalaga
halos nalibot na namin ang paligid ng hospital kung nasan man tumungo dati si mama para mag pakamatay, pinuntahan na rin namin ang posibilidad na pupuntahan ni mama
pero, wala siya, hindi ko siya makita, bakit ganun? bakit ganun? nasaan na si mama?
tumulo na naman ang luha ko.
kahit ganun ang mama ko hindi ko siya kayang mawala dahil siya lang ang dahilan kung bakit nanatili ako dito sa malupit na mundong ito, ang nag iisang lakas ko para kayanin lahat ng pagsubok sa buhay, pero paano kung bigla siyang mawala ano ng gagawin ko sa mundong ito?
huminto ang motorcycle ni taru, kaya tumakbo ako papunta dun sa lugar na pupuntahan na nag babasakali na andun ang mama ko
pero yung nakita ko yung lugar na yun bigla na lang lumungkot ang muka ko at tumalikod..
hindi ko na napigilang umiyak talaga
pakiramdam ko huli na ang lahat pakiramdam ko wala na akong maiiligtas pa.
halos sobrang iyak ko na talaga, hindi ko na mapigilan ang pag hagulgol ko..
pero sa pag iyak ko ng sobra, hindi ko akalain yayakapin ako ni taru at ipapagamit ang balikat niya sa akin para maitago ang muka kong luhaan..
alam ko na medyo ilang siya sa ginawa niya pero ramdam ko ang sincere na pag yakap niya sa akin pakiramdam ko sincere ang pag damay niya sa akin
kaya hindi na ako nag dalawang isip na yakapin din siya at isubsub ang muka ko sa dibdib niya.
dahan dahan naman niyang tinataptap yung likod ko
habang umiiyak ako biglang tumunog ang aking cell phone
"kriiing* *kriiing* *Kriiing*
tunog ng cellphone ko? naalala ko wala nga pala akong dalang cellphone naiwan ko nga pala yun sa bag ko at hindi ko na nakuha dahil sa pagmamadali
narinig ko namang sinagot ni taru yung tumatawag sa cellphone niya kaya napabitaw agad ako sa yakap niya
bumitaw naman siya sa akin at tumalikod siya
"ano? oh sige wait lang" pagkatapos niyang sabihin yun humarap siya sa akin at binigay ang cellphone sa akin
"si laine ang nasa kabilang linya" ewan ko ba pero cold pa rin siya kung magsalita
pero buti na lang nasapo ko, kase alam niyo bang binato niya lang sa akin yung cellphone niya? pano kung hindi ko nasapo? sabagay mayaman naman kase siya kaya okay lang siguro yun
tinapat ko yung cellphone niya sa tenga ko,
"shawn, balik ka na dito sa hospital nakita na yung mama mo" yung narinig kong sinabi ni laine yun medyo napaiyak na naman ako, napaiyak ako dahil matapos ang ilang oras na pag hahanap nahanap na rin siya
ang saya saya ko talaga nung narinig ko iyon
pinatay ko na yung cellphone niya at binalik sa kaniya ito ng dahan dahan nakakatakot kase, baka mabasag ko wala pa naman akong pamalit sa cellphone na sobrang ganda na yan

BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Roman pour AdolescentsIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...