Chapter 60: Ikaw na ang pipiliin ko

240 13 2
                                    

---------------------

halos maiyak na ako sa nakikita ko, bugbog sarado na kase si sean.

bakit kailangan niyang isugal ang sarili niya para sa akin?bakit?

"Sean!" biglang sigaw ni laine

nanlaki ang mata ko, kase pati sina laine, kenneth at daiko ay nandito.

andito sila para iligtas ako.

hindi lang nag sasalita si marki sa kinatatayuan niya kaya hindi kami napapansin nila laine dito sa taas pero si sean nakatingin siya sa akin ngayun nakahandusay habang duguan ,pinilit niyang pumunta dito sa taas kanina para lumapit sa akin pero hindi niya magawa apat na lalaki at lima na babae ang kalaban nila tapos apat lang sila, dun palang lamang na ang kalaban.

at sa bandang huli tumumba na rin sina laine. naiiyak na ako sa nakikita ko. halos duguan na rin sila at namimilipit sa sakit ang natira na lang sa kalaban nila ay dalawang lalaki.

"dapat hindi na kayo pumunta" malungkot na sabi ko sa kanila.

dahilan para mapunta ang atensiyon nila sa akin

kahit na nakahandusay na lang dun si laine ngumiti pa rin siya sa akin at may binigkas ang labi niya na kahit walang sound iyon naintindihan ko

"dahil kaibigan ka namin" yun ang pag kakaintindi ko

ang sarap sa pakiramdam ng may nag papahalaga sa akin. pero yung taong inasahan ko na darating ni anino niya hindi ko nakita. tama na itong kahibangan ko sa kaniya siguro kailangan ko ng ipag pahinga ang puso ko. Kase pagod na akong mahalin siya, pagod na akong umasa na ako naman ang pipiliin niya, pagod na akong magbakasakali na mapunta ang atensiyon niya sa akin.

ngumiti ako sa kanila

binitawan ako ni marki at binigay kay jen.

"Si sami naman ang pinili niya jen" masama ang tingin ni marki kay jen.

si jen naman halos hindi makatingin kay marki. para bang hindi siya mapakali sa kinatatayuan niya

bigla na lang kinwelyuhan ni marki si jen dahilan para mabitawan ako ni jen. lumagapak lang ako sa sahig at humahagulgul duon.

hindi ako umiiyak dahil masakit yung mga pasa at sugat ko umiiyak ako dahil wasak na wasak ang puso ko.

bakit hindi ako magawang piliin ni taru?

"Ginag*g* niyo ba ako huh!" sigaw ni marki kay jen pagkatapos nun inihagis niya sa pader si jen.

tinignan lang ako ni marki ng sobrang sama

"alam mo? naaawa ako sayo nadadamay ka sa gulo na gawa ni taru tapos wala naman siyang pakialam sayo" inis na inis na sabi ni marki sa akin.

hindi na lang ako nag salita.

"tara na sa lugar kung nasaan si sami" aya ni marki kay jen

nakatungo lang na naglalakad pasunod si jen kay marki

"Leader!!" biglang sigaw ng limang tao na kararating lamang na halos nag mamadali

natatanaw ko lang sila mula sa butas.

napahinto si marki sa paglalakad niya at tumingin sa limang tao sa baba.

"anong meron?"asar na tanung ni marki habang nakakunoot ang noo nito sa kaniya

"Pre! wala si taru duon sa lugar kung saan naroroon si sami!" sigaw nung isa

na dahilan para mapatigil ang luha ko sa pagtulo.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon