Shawn pov
andito kami ngayun ni sean sa rooptop ng hospital habang tinatanaw ang baba.
inaya ko kase siya dito kase may pag uusapan kaming dalawa.
Tinitignan ko naman siya ng may seryosong muka samantalang siya nakatingin lang sa view sa nakikita niya sa baba habang may mga ngiti sa labi.
"Sean" tawag ko sa pangalan niya dahilan para mapatingin sa akin at ngumiti pa ng mas lalo
awkward bwiset.
"Ano, totoo bang liligawan mo ako?" nahihiyang tanung ko sa kaniya habang nakatingin pa rin naman ako sa mga mata niya
tumango tango lang siya sa tanung ko habang nakangiti pa rin
"Paano si laine?" seryosong tanung ko kay sean dahilan para mawala ang ngiti niya sa labi niya.
napaisip naman siya dun sa tanung ko
"hmmm alam niya naman na may mahal na akong iba" seryosong tugon niya sa akin
napakamot na lang ako ng batok.
"alam ba niya na ako yun?" tanung ko ulit kay sean
napatawa naman siya ng bahagya sa sinabi ko
lagi na lang may tumatawa sa sinasabi ko kahit na seryoso naman ako, sa totoo lang wala na bang seseryoso sa akin? nakakatuwa ba ito para sa kanila?
"nakausap mo na ba siya? tanung mo sa kaniya para malaman mo" nakangiting sagot niya sa tanung ko
abat paano ko yun matatanong? tsk
"Ewan, ayoko na masaktan si laine alam mo namang mahal na mahal ka nun eh" nakasimangot kong sabi sa kaniya
dahilan para mas sumeryoso ang pag mumuka ni sean
hala.... nagalit ko ata siya, totoo naman kase ang sinasabi ko.
"Paano naman ang nararamdaman ko shawn? hindi ba ako masasaktan kung hindi mo man lang pag bibigyan ipakita ko sa iyo ang nararamdaman ko para sayo?" natameme ako sa sinabi ni sean sa akin
kaya napaiwas agad ako ng tingin sa kaniya. bakit parang ang hirap pa atang mang busted parang ako pa itong naguiguilty sa ginagawa ko eh. paano naman kase....
"Sorry sean" malungkot na tugon ko sa kaniya habang nakatungo lang
"Shawn huwag mo naman ipagkait sa akin ang ipaglaban ka dahil lang mahal ako ng kaibigan mo, kasalanan ko ba na mahalin kita? hindi ko rin naman sinasadya na masaktan si laine" para bang nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman ni sean sa bawat pag bigkas niya ng mga katagang iyon.
kaya napakagat na lamang ako sa aking labi habang nakatungo.
pero, hindi ko kayang mag pa asa ng mga tao.
kase alam ko naman kung sino talaga itong nasa puso ko.
napabuntong hininga na lang ako ng malalim pagkatapos nun ngumiti ako ng pilit at tumingin sa kaniya.
"Mayroon na akong nagugustuhang isang lalaki" sinabi ko iyon sa kaniya ng diretsahan habang nakatitig sa mga mata niya.
halata naman na medyo nagulat siya sa sinabi ko pero hindi niya iyon pinahalata.
ngumiti din siya ng pilit sa akin at umiwas ng tingin.
"Mutual ba ang nararamdaman niyo?" tinanung niya yun sa akin habang nakayuko
napangiwi naman ako sa tanung niyang yun, dahil ako mismo naguguluhan din kay taru. hindi naman kase ako slow para hindi magets ang sinasabi ng isang tao sadyang hindi ko lang maintindihan si taru.
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Teen FictionIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...