Chapter 48: Isang Kondisyon

200 12 1
                                    

Shawn Pov

andito ako ngayun kung saan sa lugar na pinag usapan namin ni laine. Ewan ko ba mukang epekto iyon ng pagiging broken hearted niya kay sean kaya lagi niya akong kinukulit kung sa ano anong bagay. Napabuntong hininga na lamang ako, no choice din naman kase ako broken hearted siya, kailangan ko siyang damayan, Atsaka umiiwas ako kay dok teru kapag nagkikita kase kami sa hospital hindi ko magawang mailang sa kaniya, ganun pa rin naman ang pakikitungo niya sa akin pero siguro iba talaga na ang ngiti niya sa akin para bang may malisya na ang ngiti niya sa akin para bang nang-aakit ang ngiti niya sa akin. Tapos lagi niyang sinasabi sa akin na hindi siya makapaghintay sa date namin, kinausap niya pa ako about sa dinner date, sabi niya pagkatapos ng movie date namin mag dinner date din daw kami. Wala naman akong nagawa kundi tumango sa sinasabi niya, ni hindi nga ako maka hindi kay dok teru.

halos hindi na ako mapakali sa kinatatayuan ko dahil kaganina pa ako nakatayo sa tapat ng cafe na sinabi ni laine sa akin pero isang oras na akong nag hihintay pero wala pa rin siya, dagdag pa natin ang suot ko na naka mini dress ako. ito yung binigay ni laine sa akin kagahapon at sinabing isuot ko daw sa tagpuan namin with doll shoes alam niya kaseng hindi ako nag susuot ng heels.

sa kabilang banda, hindi ko alam kung ano yung sinasabi niyang gimik bago ang date namin ni dok teru. Sana naman hindi niya ako ipunta sa parlor o kaya naman ipasuot ng kung ano anong damit. napabuntong hininga na lang ako sa iniisip kong mangyayari.

"shawn?" napahinto ako ng may marinig ako na isang pamilyar na boses

nilingon ko ito, at hindi ako nagkamali sa pasiwari ko, yun ay si sean.

ngumiti ako sa kaniya ng tipid samantalang siya, sobrang todo ngiti labas ang mapuputing pantay pantay na ngipin niya tungo sa akin

namiss ko talaga si sean, si laine na lang kase talaga ang nalalapitan ko sakadahilanang matagal na talaga kaming close bago pa ako malink kay taru.

"How are you shawn? long time no see" nakangiting bati sa akin neto.

tumango tango naman ako sa kaniya

"oo nga eh, tsk nag e-english ka na naman" reklamo ko sa kaniya habang may disappointed na muka, nagulat naman siya sa sinabi ko at ngumiti ulit

"akala ko ayaw mo" napabulong neto sa sarili niya kaso narinig ko naman

tapos napangiti ako, ang cute talaga neto mag salita ng tagalog.

hinarap ko naman si sean ng kaniyang kinagulat.

"totoong gusto ka ni laine sean, bakit hindi mo pagbigyan si laine? ilang araw niya na akong kinukulit dahil broken hearted siya alam mo bang iniyakan niya ako mga ilang araw lang nakakalipas" kwento ko kay sean halatang hindi naman gulat si sean sa sinabi ko

wala ba talagang pakialam si sean kay laine. Na dahilan para ikunot ko ang noo ko sa kaniya

napatingin naman sa kapaligiran si sean at napabulsa ng kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa. At bahagyang nilasap ang hangin at huminga ng malalim.

samantalang ako heto, pinagmamasdan siya na nakatingin sa kapaligiran niya

"alam ko naman yun, hindi naman mahirap mahalin si laine, pero ewan ko ba yung tao kase na laman ng puso ko ayaw niyang umalis" ewan ko ba kung reklamo yun oh ewan hindi ko siya magets... so pare-pareho kami ng kalagayan? so hanggang one sided lang talaga kami?

"may mahal bang iba yung taong mahal mo?" nacucurious kong tanung sa kaniya..

hindi kase maalis sa isipan ko na baka kase si sami yung tinutukoy niyang babae, naalala ko kase na akala ko si laine yung tinutukoy niyang babae na gusto niya, mukang nag kamali ako, kaya ngayun gusto kong masure kung si sami nga talaga yun.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon