Continuation.....
Paglingon ko nakita ko si taru na napakasama ng tingin kay ivan
ano bang problema ni taru parang naging mas malala siya ng bumalik siya kay sami akala ko magbabago siya kapag naging sila ulit ni sami pero mas lumalala ata siya
"oh sige mauna na ako baka may gustong sabihin sayo si taru" paalam ko sa kanilang dalawa at naglakad na ako palayo sa kanilang dalawa
"teka lang shawn." napahinto ako ng marinig ko ang seryosong boses ni ivan
ano bang problema ni ivan? lumalayo na nga ako eh.
dahan dahan akong lumingon sa kanila
"bakit?" tanung ko kay ivan
syempre na may seryosong muka nabwibwiset na ako eh
"pumunta ka sa tambayan namin namimiss ka na namin" seryosong sabi ni ivan na dahilan para ikagulat ko
"hindi naman ako parte ng gang niyo" malungkot na sabi ko habang nakayuko
hindi ko kase sila kayang tignan
"ano bang sinasabi mo? naging part karin ng pagakaikaibigan namin may mali ba na maging kaibigan ka namin hanggang ngayun? kase hindi naman talaga naging kayo ni taru diba? diba taru okay lang maging kaibigan natin si shawn? bakit ba kailangan magkailangan kayo? mahal niyo ba ang isat isa?" ngayun ko lang narinig si ivan na may sense ang kaniyang sinabi
tama siya.... pero may mali sa sinabi niya, ako lang ang nag mamahal at hindi ako mahal ni taru pero kase naging kaibigan ko rin sila itatapon ko ba ang pagkakaibigan na nabuo namin dahil lang sa one sided na pag ibig ko kay taru?
"ta--------"
mag sasalita na sana ako ng nagsalita ulit si taru
"wala ka ng maisip na matino ivan naalala mo ba nangyari sa kaniya? muntikan na siyang mamatay dahil sa atin, dahil nakadikit siya sa atin kung patuloy siyang nakadikit sa atin magiging delikado lang lagi ang buhay niya, isa pa sa magiging pasanin natin" may inis na tonong sabi ni taru sa aming dalawa habang ang sama sama ng tingin niya sa amin
"yun ba iniisip mo taru? poprotektahan naman natin siya" pagpupumilit ni ivan
"nasisiraan ka na ba? ayoko mahati ang oras ko kay sami para protektahan ang babae----
bigla akong sumabat kay taru kase alam ko ang sasabihin niya alam ko yun, alam ko na si sami lang ang mahalaga sa kaniya alam ko yun
"tama ka taru hindi ako mahalaga, hindi ako naging parte ng mga buhay niyo, outsider lang ako"
pero ang sakit eh ang sakit marinig na wala akong halaga kay taru
hindi ko namalayan tumulo ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan
halata naman na nagulat silang dalawa sa pag iyak ko
pinunasan ko ito agad pero ayaw parin tumigil
"Ayoko ng gulo kaya tigilan niyo na ako gusto ko ng tahimik na buhay *hik* kaya tama na *hik*" iyak na iyak kong sinasabi sa kanilang dalawa hindi naman sila makapag salita sa nakikita nila.
tama, lahat ng mahal ko sa buhay pinag tatabuyan lang ako alam ko yun palagi namang ganun kaya wlaa na akong magagawa
tumalikod na ako habang pinupunasan ko pa rin ang luhang ayaw tumigil na kanina pa tumutulo
"shawn" banggit ng panglaan ko ni ivan
pero hindi pa rin ako humahakbang para umalis sa kinatatayuan ko
![](https://img.wattpad.com/cover/177660978-288-k554934.jpg)
BINABASA MO ANG
Tell Me If "It's LOVE" (Completed)
Roman pour AdolescentsIts about one normal girl who fall in love with a gangster...pwede bang mag mahalan ang taong magkaiba ang kinalakihan na mundo? paano mo malalaman kung nag mamahal ka na pala? so sabay sabay po nating subaybayan ang kwento ng isang normal girl na m...