Chapter 61: Kase ikaw ang pinili ko

214 15 1
                                    

Shawn Pov

pagmulat ko ng mata, napatigil ako.

nanaginip ba ako? ang alam ko pumunta ako sa room kung saan si taru nakaconfine.

pero pinagtataka ko bakit nakahiga ako sa kama ko at may kumot pa na nakapatong sa akin

agad agad akong lumingon sa gilid ko at dun nakita ko si taru na nakangiti sa akin.

hala? panaginip ba ito? ngumingiti ba talaga sa akin si taru?

ngumiti din ako sa kaniya.

kung panginip man ito ayoko ng magising pa.

"Masaya ka ba na nakita mo ako?" malumanay na tanung sa akin ni taru.

sabi na eh panaginip lang ito. hindi naman ata makatotohanan ang magsalita ng malumanay si taru.

ngumiti siya sa akin. tapos hinaplos niya ang muka ko gamit ang palad niya

dug.dug.dug.

pati ba naman sa panaginip baliw na baliw ang puso ko sa iyo.

"Namiss kita" diretsong sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa mga mata ko.

eto naman yung puso ko halos nagwawala na.

panaginip lang naman to diba? sasagutin ko ba siya. sabihin ko rin kayang namiss ko siya? ok lang naman yun diba dahil panaginip lang naman to.

pero teka?

*pak*

"aray ko! putspa hindi to panaginip!" napasigaw na lang ako dahil sa katotohanan.

tinry ko lang naman kung panaginip lang ba talaga ito kaya sinampal ko yung sarili ko. pero bwiset na yan totoo palato?

pero teka ano sabi niya? namiss niya ako?

tinignan ko naman siya ng may seryosong pagmumuka habang siya tinitignan niya ako na may pag tataka sa muka.

"hoy taru bakit andito ako sa kama mo? hindi ba dapat ikaw ang andito?" inis na sabi ko kay taru

napakamot na lang siya ng batok niya at napangiti ng bahagya.

hala ano ba nakain ng taong to?

"hindi ka kase komportable sa upuan na ito kaya nilipat kita, atsaka mukang hindi pa magaling ang mga sugat at pasa mo. Kailangan mo pa ng pahinga" mahinahong paliwanag niya sa akin.

teka lang taru wag kang ganiyan!! ganiyan ba ang nagagawa ng taong nag agaw buhay?

nag iiba ang ugali? bumabait? mukang tama nga sila.. kapag binigyan ka daw ng second chance na mabuhay ulit dapat gamitin mo ang buhay mo sa mabuti kase blessing yun.

bigla ko namang kinapa ang noo niya at hinawak din ito sa noo ko.

habang pinagkukumpara ko ang init ng noo niya sa noo ko. ngumiti lamang siya sa akin

na dahilan mapabalikwas ako sa kinauupuan kong kama na agad agad akong inalalayan ni taru.

halos mapatigil ako sa kinauupuan ko habang hawak hawak niya ako. nakalimutan ko na nga ring huminga.

pinat pat niya naman ang ulo ko dahilan para mapatingin ako sa kaniya na medyo nahihiya.

teka ginugulo niya ba ako?

akala niya ba nakalimutan ko na ag kasalanan na ginawa niya sa akin.

"Nahuli na sina marki" mahinang sabi ko sa kaniya habang nakayuko lamang

napatigil naman siya sa pag pat ng ulo ko.

"mabuti naman, wala nang mananakit pa ulit sayo shawn" mahinahong sabi ni taru sa akin.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon