Chapter 69: Old Self

166 12 0
                                    

Sami Pov

habang tinitinignan ko ang likod ni taru hindi ko maiwasang gustong gusto ko siyang yakapin. isang linggo pa lang ang nakakalipas pero hindi pa rin ako maka move on sa break up namin ni taru.

"Sami sabihin mo na ang gusto mong sabihin" sinabi niya iyon ng nakatalikod sa akin at mayroong nanlalamig na boses.

tinignan ko naman ang paligid namin pero puro ng halaman ang nakikita ko. Andito kase kami ngayun sa garden ng school na ito, hindi ko alam kung bakit pumunta si taru dito sa garden kesa sa rooptop.

"Taru ayaw mo ba sa rooptop?"  mahinahong tanung ko sa kaniya

nilingon naman niya ako ng walang expression sa muka.

tinignan ko lang siya ng may para bang naaping muka.

"Sami ano bang gusto mong sabihin?" halata naman ang irita sa boses niya pero hindi niya ito pinapahalata sa akin.

hindi ko naman namalayan na napaluha na pala ang mga mata ko habang hindi pa ako nag sasalita.

"kung mag papaawa ka lang sami sa akin itigil mo na, hindi ako naaawa sa mga babaeng desperada" naiirita na niyang sabi sa akin.

ngayun halata na sa kaniyang muka ang pagkairita sa akin.

umiling iling naman ako sa kaniya dahilan para mag karoon siya ng pagtatakang pagmumuka.

"Taru wala ka na bang nararamdaman para sa akin?" pinipilit ko na huwag mapiyok sa sinasabi ko kase kapag nangyari yun baka mas mainis si taru.

napapunas na lang ako ng luha ko at napahikbi.

napatingin naman siya sa ibang dako at napabuntong hininga

"alam mo sami, una pa lang alam ko na hindi kita gusto, pero siguro napalapit na ako sayo sa bawat araw na kasama kita, namangha ako sa taglay mong kabaitan pati na rin sa kagandahan mo, nabulag ako ng mga yun at inakalang mahal kita pero mali, nung iniwan mo ako narealize ko na mahalaga ka lang pala sa akin, kase bihira ang mga taong kagaya mo, na ang turing ko lang pala sa iyo ay parang malapit na kaibigan ko, nagawa mo nga akong baguhin pero hindi bukal yun sa loob ko, hanggang sa marealize ko na hindi talaga kita mahal pinilit ko ang sarili ko na mahal talaga kita pero hindi eh, masyado tayong nagmadali sabagay bagay, nung sinabi mong gusto mo ako natuwa ako nun dahil hinahangaan talaga kita sa kabaitan mo hanggang sa nabulag ako sa kabaitan mo, sa tingin mo ba pwedeng pagmamahal ang tawag sa bagay na yun kung nakadepende lang ako sa kabaitan mo?" mahabang paliwang ni taru sa akin na kada isang letra sinasaksak ang puso nito.

mas lalong tumulo ang luha ko sa mga narinig ko.

mabait? sinong hay*p ang niloko niya? san banda ang pagiging mabait ko? nagbago ako dahil minahal kita taru. so yung pagbabago mo napipilitan ka lang dahil nahihiya ka sa akin? so paano ako? nag bago ako dahil gusto kong magustuhan mo ako then sasabihin mo sa akin yung pagkataong binago ko ang ginusto mo sa akin? t*ng in* naman oh!

"kapag ba naging masama ako babalik ka ba sabakin?" medyo madiin ko ng tanung iyon sa kaniya.

medyo nagulat naman siya sa sinabi ko dahilan para tignan niya ako nang nakakaawa ako.

don't look at me like that taru, I swear you'll regret that!

"sinabi ko naman sayo na ayokong magmahal ng may dahilan gusto yung puso ko mismo ang nag didikta sa akin, bata pa tayo sami makakanap ka ba ng ib----napatigil siya dahil tinignan ko siya ng isang napakatalim na tingin.

"no taru, I am yours and you are mine, don't you get that? I bet my life on you, tapos iiwan mo ako sa ere? How could you do that? sabi mo mahal mo ako, And I believe on that stupid statement you told to me, and now you are saying that it isn't even love? how would you know that?" sinasabi ko iyon sa kaniya ng may nanlilisik na mga mata.

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon