Chapter 70: Date??

186 13 1
                                    

Laine Pov

habang nag dadabog ako ditong naglalakad sinasamaan lang ako ng tingin ni taru

"ano bang problema mo taru?" inis na tanung ko kay taru, napatakip na lang siya ng tenga niya na para bang sobra na siyang naiingayan sa akin, inirapan ko na lang siya.

"alam mo laine nakakainis ka bakit mo hinayaang si sean ang sumundo kay shawn?" inis na reklamo sa akin ni taru, hindi ko na lang siya pinansin. anong magagawa ko? napagusapan na nila yun kahapon pa tsk! kung ako lang hindi ko naman sila papayagan kaso tung taru na to kupad kumilos ayan tuloy naunahan siya ni sean.

habang naglalakad kami napatigil kami sa nakita namin, nakita naming nag uusap sa gitna ng corridor si sean at shawn, bakit dito pa nila mapiling mag usap? mga hinayupak sila.

hindi sinasadya napalingon si shawn sa amin at kumaway kaya napalingon din si sean kaya imbes na si shawn ang kawayan ko kinawayan ko na rin si sean, kaso tumigil ang ikot ng mundo ko ng makita kong may hawak na tatlong red roses si sean.

huwag niyang sabihin tatanggapin niya yan?

hindi ko namalayan na palapit na pala si taru kila shawn kaya sumunod na lang ako.

"shawn sabay ka na sa akin" biglang aya ni taru kay shawn kaya agad agad akong napatingin kay sean na nakangiti lang.

yung totoo? masaya ka pa ba niyan?

si shawn naman hindi maitago ang pag kislap ng mata niya sa nakikita niyang si taru, napailing na lang ako, bakit kaya hindi nakikita ng dalawang to ang asta ni shawn? mga bulag sa pag ibig.

" sorry bro ako ang mag hahatid sa kaniya ngayun" nakangiting sabi ni sean kay taru.

wala namang expresyon si taru na tumango at nilagpasan sila.

kaya ayun napasimangot si shawn sa ginawa niya, itong taru na to, kailan ka ba magiging sweet? hano?

hindi pa ako nag lalakad nun ng tumigil si taru sa pag lalakad niya at nag salita

"ingat ka pauwe shawn" malambing nitong sabi habang hindi pa rin nililingon si shawn.

ayun si bruhilda kinilig ang lola niyo, iba na ang ngiti eh.

dahan dahan lumingon si taru kay shawn at ngumiti.

halos mapatakip ako ng bibig para lang hindi makapag react sa pagmumuka ni taru, kung hindi ko natakpan bibig ko siguradong mapapamura ako, ayaw pa naman ni shawn yun.

ngumiti lang ng tipid si shawn sa kaniya, ayan shawn natuto ka rin,

"sunduin na lang kita sa hospital bukas" pagkatapos nun nag mamadali na si tarung umalis.

pustahan nahihiya yun hahaha

napaisip naman bigla si shawn sa sinabi ni taru na para bang nagtataka,

"bukas? sabado yun huh?" nagtataka niyang tanung sa sarili niya sasabat na sana ako ng nag salita si sean

"inaaya ka nun mag date bukas, yun ang ibig sabihin niya" paliwanag ni sean kay shawn kaya napatango na lang si shawn sa kaniya

napalingon naman si sean sa akin kaya napaayos ako ng tayo habang nakatingin sa kaniya

"may sundo ka laine?" mahinahong tanung niya sa akin, siguro naisip niya na siya laging nag hahatid sa akin sa bahay tapos ngayun lang hindi dahil kay shawn.

tumango tango ako kay sean

napatingin naman siya sa bulaklak na hawak niya at lumapit sa akin.

"diba gusto mo yung ganitong bulaklak? sayo na lang ayaw ni shawn eh" nakangiti niyang sabi sa akin at nung inabot ko ito tinap niya ako sa balikat ko at naglakad na kasabay si shawn

Tell Me If "It's LOVE" (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon